Verse 8
“Day After
Valentines Part 3”
A/N: Ang haba kasi ng araw na ito! Haha!!!
Sinalubong niya ang mga mata nito. Kahit naiilang siya,
nangingibabaw iyong tuwa at kilig. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ‘yung
ginawa niya. Nabasa kasi agad niya sa mga mata nito iyong pagmamahal na
isinigaw lang nito kanina. Hindi siya makagalaw, parang may mga paru-paro sa
sikmura niya, at habang tumatagal ang paghihinang ng kanilang mga mata, ay ang
paglalim din ng espasyo sa kanyang puso. Nakita niya ang sariling nahuhulog sa
bangin na iyon, at wala siyang nakakapitan. Ang ipinagtaka lang niya sa imahen
iyon, ay hindi siya sumisigaw habang nahuhulog, at walang bakas ng takot ang
kanyang mukha. Falling. Falling.
Lumapit ito at may iniabot na isang bagay… “Seryoso ako sa
sinabi ko kanina.”
Wala sa sariling inabot niya iyon, pero biglang nagdalawang-isip
at ibabalik na sana niya ng mabingi na sila sa lakas ng tilian ng mga babae sa
classroom nila.
“Hindi ako mangungulit, pero hindi rin ako tatahimik lang.
Ipaparamdam ko sa ‘yo na ‘andito lang ako, at hindi na magbabago kung ano man
iyong sinabi ko kanina.”
Napangiti siya,pero bigla ring lumungkot. Marami pang
nagtatali sa kanya, at hindi pa niya kayang dalhin kung ano man ang meron sila
mula ng araw na ito, dun sa susunod na kabanata. Sa dami ng gusto niyang
sabihin nung mga oras na iyon, walang narinig ang sinuman mula sa kanya.
No comments:
Post a Comment