Wednesday, January 11, 2012

Another Story [No Title Yet]

             “Sino ba kasing may sabing bilhin mo na ‘yung complete series ng minsanan? Vinny, may next week pa! May next month, next year, saka may reprints din! Parang movie lang ‘yan, mas magandang hintayin mo na lang ‘yung DVD!” sermon sa akin ng aking ever-mother-hen na bestfriend na si Dominique, Niq for short.
“’Yung pirated?” pilosopo ko pang sagot. Wala eh, trip kong mang-asar. Hahaha.
“Very funny, ‘ayan tuloy, pagkakasyahin mo pa ‘yang 500 mo within a week. Ang adik mo kasi.”
‘Ayun, natapos din. Actually, may point din talaga si Niq eh, hindi lang talaga tinanggap ng brain cells ko ‘yung idea na i-postpone ang pagbili ko ng books ko. Ang hirap kaya ng nabibitin? Nakaka-frustrate. Anyways, ako pala si Lavinniea Cruzado, ‘wag n’yo na pag-isipan kung paano ‘yun ipopronounce, ako man eh nalilito rin. Vinny sa mga friends ko, Cruzado sa mga ewan ko na kakilala. Sixteen years old, 2rd Year Senior High School. Nasa cafeteria kami ngayon, at hinihintay si Lex, isa ko pang bestfriend na nakikita ko na nga nagyong naglalakad, este, tumatakbo pala.
“Oh? Anong meron at para kang hinabol ng sampung dwende?” tanong ko agad sa hingal na hingal na si Alexia Salmeron, member ng Women’s Soccer Team, at …
“PhP 200.00 pesos lang Vinny, picture ni Eric—“
“My labs,” putol ko sa sinasabi niya.
“Whatever, picture ni Eric your loves, taken from Macau ata, whole body shot, and he’s wearing his favorite shirt, according sa ‘yo, and you favorite smile of his. Ano? Kukunin mo?” sales-talk sa akin ng BESTFRIEND kong ito. “200? Bakit ang mahal naman ata? Ikaltas mo na ‘yung 20% student discount, 10% Mas-matanda-ka-sa-akin discount, saka ‘yung 50% Bestfriends-Kasi-Tayo discount.”
“Na-less na ‘yun, asus. Ako pa? Discounted na po ‘yung 200 pesos na price,” nakangiti pang sabi nito. “Sold, akin na!” hindi rin naman ako masyadong atat ano? Aanhin ko ang pera eh piktyur pa lang ni Eric my labs, busog na busog na ako… “Naku, ang adik!!!” natatawa na lang na comment ni Niq. Whatever.
 “Oy! Hindi lang ako ang adik dito ano! Sino ba ‘yung lagging inspired na gumawa ng songs dito? ‘Di ba ikaw Niq??” *Evil laugh* “At ‘yung inspiration mo lang naman eh ang ating butihing Student Council President, na super suplado, ni tingnan siya eh hindi ko maatim!” pambubuska ko pa sa babaeng ‘to. Maganda si Niq, maraming nanliligaw, pero ewan ko ba kung bakit ‘yung lalaking never ata siyang titignan ng mabuti ang nagustuhan niya. Kapag nakakasalubong naman kasi naming si Rafe eh parang laging asar sa bestfriend ko.
“At least ako, idinadaan ko lang sa kanta. Sino kaya diyan ang umakyat sa Baguio para lang maka-join sa Soccer training, para next year eh masali na sa Women’s Soccer team, para masilayan araw- araw ang sinisinta niya?” natatawa namang sabi ni Niq. Parang nahalata ‘yung emphasis ko na hindi lang ako ang adik. Hahaha. Nag-blush naman si Lex, in-denial pa kasi. Que gusto raw talaga niya sa Soccer team, naku! Si Anthony rin lang naman ang nag-invite sa kanya dun eh. Hahaha.. “yun na pala ang rason kung bakit bfffffffff kaming tatlo. Pare-pareho kaming baliw. Nyaha!

Oh, nasabi ko na ba? I’m Lavinnea, and this is the start of my quest to become the best DOTA player in our school. Hahaha. Hinde, joke lang. Pero reality na rin, I can play you know. Pero mali rin eh. Ano pa ba dapat na ikwento ko? Ang aking non-existent na lovelife? Alam ko naman kasi na picture lang ni Eric my labs ang mahahalikan at mayayakap ko eh. I mean, I’m a plain schoolgirl, with the plain French braid and glasses, and braces, I hate those things. But then, just about last night, these words were like constantly being whispered in my head, “A New Adventure”. Ano nga kaya ‘yun? Ah, basta. Boring ako, hindi pansinin, pero hindi rin naman invisible. MAdali akong ma- adik, madali nga lang magsawa. Walang hilig sa sports, sa kahit anong activity. Kasi kung may Sleep Club nga lang sana, ako na ang president dun. Vinny signing in, and this is my DOTA ADVENTURES   story na nga lang!!!!


A/N: Hahaha. Yeah, another DOTA-inspired story. Oo! Seryoso ako sa DOTA adventures na 'yun. Kung paano, ewan ko pa nga lang. At least na-introduce na 'yung mga bida except sa bidang lalaki. Yup! Hindi si Eric ang bida, actually, wala nga yata siyang magiging line eh, pero I'll just cross the bridge when I get there. Ja!

No comments:

Post a Comment