Sunday, January 29, 2012

TFTIESYF


Verse 5
            Valentine’s Regrets Day”

Pumunta siya ng school na balisa. Valentines kasi, at masaya sana siya, kung may plano! Or whatever!!! Ang problema, wala siyang maisip na tamang gawin. Tumabi sa kanya si Joel. “Ang galing! Madaming activities sa lobby, madaming pakulo ‘yung mga student ORG’s.”

 Mas lalo pa siyang nanlumo pagkarinig dun. “Paano naman ‘yung mga ganun?”

“Ewan ko… Hahaha… Mga gifts, mostly. Wala naman kasi ‘yung mga booths noong pumasok ako. Kase-set up lang ata.”

“Wala naman tayong vacant time para silipin ang kaguluhan dun.”

Wala na siyang magagawa, malay ba niyang may event pala na ganun kapag Valentines. Pumasok na ang instructor nila, na signal na para sa apat na oras na pag-upo lang, habang tulala. Gusto man niyang lapitan si Karen, parang nahihirapan siyang humanap ng tyempo. Lagi kasi itong may mga kasama, at kahit gaano pa kakapal ang mukha niya, anong sasabihin niya? Wala.

***
Last subject nila noon, at tuloy ang klase nila, sabay ng tuloy din na hikab niya. Nag-aabang pa rin siya ng kahit anong pangyayari, para lang mapatunayan na araw nga ng mga puso ngayon. Aminado naman siyang boring ang buhay, pero bakit parang extra boring naman ata ngayong araw na ito. Walang naka-upo sa tabi ni Ultimate, at sa sobrang ka-adikan, heto na naman siya, nag- iilusyon. Paano nga kaya kung kahit sa isang subject man lang sana ay nagkatabi sila? Ipagpapatayo niya ng rebulto ang dakilang instructor na may kagagawan nun. Napangisi siya sa iniisip.

“HI! We’re here to serenade Ms. Diane, this one’s for you.” At nagsimulang mag-gitara ‘yung mga kapapasok lang sa classroom nila. Nagulat man siya, naisip pa rin niyang magtanong sa katabi niya kung anong kaguluhan ba iyon. “Ah, iyan ata ‘yung sa serenade booth, basta magbabayad ka, tapos magrerequest ka ng song, tapos ise-serenade na nila kung sino man ang gusto mong pakiligin. Ang galing nga eh. Kabubukas lang ata kasi ng booth nila kanina.”

Grabe, ang laki niyang bobo. Hindi naman niya kasalanan, pero napakalaking pagkakataon na iyong pinalampas niya. Umalis kaya muna siya at tumakbo sa booth na iyon? Alam niyang kailangan na niyang magdesisyon kasi nauubos ang… 10 minutes na nalalabi sa kanya. Anak talaga ng kamalasan, hindi na siya aabot. Napapabuntong-hiningang lumingon siya kay Karen, na halatang tuwang-tuwa sa nangyayari sa kaibigan nito. Iisa lang ang nagpapagulung-gulong sa isip niya. Sayang. Sayang. 

No comments:

Post a Comment