Verse 1
“Firsts”
It was the first day of school. It was his first time seeing
her. It was the first time his heart fell for her. The first and only time that
a girl single-handedly stole his heart unknowingly. The first time his heart
sang.
“Hindi pa ba tayo papasok?” tanong sa kanya ni Joel, na
malamang kaibigan niya, kausap niya eh.
“Teka lang, madaming unknowns ‘dun, ‘antayin na muna natin
sina Allen, para naman may kasama,” sagot niya, pero parang gusto niya na ring
pumasok at tantiyahin ang mga bagong classmates. New friends, pwede rin
sigurong new prospects. Pero ‘wag na muna siguro ‘yang love-love na ‘yan, may
major subject na sila ngayong sem na ‘to kasi. Although kaya niya naman
sigurong pagsabayin, hindi niya inisip ‘yung possibility na makikita niya this
time si Ms. Right, cliché’d as it may seem. He doesn’t really have high hopes
on romance this time.
Nagkukwentuhan pa sila sa labas ng room nang may dumaan na
pink na aparisyon. Oo! Madali lang kayang makita ang pink. Na-curius siya, ang
cute kasi ng mga babaeng naka-pink.
“Tara na pala, pasok na tayo,” sabi niya na agad kay Joel.
Gusto niyang makita ‘yung mukha at malaman ang pangalan nito.
***
Ganito sa college nila, uso pa rin ang pagpapakilala, lalo
pa’t first year pa lang sila.
“Hi, I’m Gembong Bulatao, BSac1 student, 17 years old from
Baguio city,” pagpapakilala niya sa sarili niya. So far, mukha naman silang
mababait, but as a matter of fact, he doesn’t usually care, bale ‘yung
attention niya eh kay Ms. Pink lang.
‘Yun, malapit na ‘yung turn nito, *heartbeats*, … Bakit ganun? Bakit may
matching music ‘yung paraan ng pag ngiti nito? Bakit kailangang pag
nabibistahan niya ‘yung mukha nito eh may flowers agad na magfeframe sa maganda
nitong mukha? OO na, nagagandahan siya sa mystery girl na ito, useless namang
i-deny pa niya eh sarili niya rin lang ‘tong ka-komperensiya niya.
“This is crazy!” anang isip niya.
Tumayo na ito, at all ears agad an gating bida, attentive sa
sasabihin ng kanyang itinatangi.
“Gembong! Gembong!” sigaw
ni Joel, sa tenga niya.
“ANO ‘YUN!!!!” asar niyang sagot. Wala na!!!! Hindi niya na
narinig ‘yung pangalan nito!!
“Ano ba ‘yan! Kahit
kelan talaga, hindi nawawala ang mga panira!!! Hahaha, Peace Joel.”
‘Di bale, may next subject pa. Ang naintindihan niya lang eh
galling ito ng Pangasinan. Okay na rin ‘yun. Sabi nga, may next subject pa
naman.
After 2 hours…
“Buti na lang hindi tayo sinipot ng mga instructors natin!”
tuwang-tuwa ‘tong mga katabi niya. Sarap batukan! May next subject pa pala huh!
Asar lang? Sayang talaga at hindi niya narinig ‘yung pangalan nito.
“Masama mood mo? Bakit?” tanong pa sa kanya nitong si Allen.
Shaddap na lang!
“Uy, ang ganda nung nasa harap,” biglang sabi ni Joel. Agad
na nakuha nun ang atensyon niya, kasi isa lang ang maganda sa harap, si Ms.
Pink lang. (Na-realize niya na lang later na bias siya dun).
“No way! Don’t tell me may gusto rin si Joel sa kanya!”
Parang may mali… Bakit masama agad ang tingin niya, hindi
pa naman niya ito kilala.
“Why am I so possessive
all of a sudden?” tanong niya sa brain cells niya. Hmm.
Nagrerebelde ang kalooban niya dun sa idea na hindi lang siya
ang smitten dito. Confusing, at the same time, scary. Dahil lang sa mga words ng
kaibigan niya, nagkakaganito na siya. Parang…
“AYOKO YATA.”sulsol pa
rin ng kanyang, err… brain cells.
Ayaw niyang may
magkagusto dito na iba, lalo pa ngayong pakiramdam niya, ang babaeng ito na ang
hinahanap pala niya. Siya na talaga.
“Siya na talaga.”
Kahit ‘di niya pa alam ang pangalan nito. Ano ‘yung sa
kanta? Basta, may lyrics na ganun. Paano ‘to? Paano kung may gusto rito si
Joel?
“Woi! Spaced-out ka na! Sabi ko, ang ganda nung naka-blue sa
harap, hindi ka man lang magre-react?” tatawa-tawang sabi nitong katabi niya.
He released the air that he was unknowingly holding.
*Relief* At tumawa siya
ng malakas, ‘yung parang baliw lang. Sana talaga, may instructor na sa next
subject.
At ‘yun na nga, may dumating din na instructor. Tuwang-tuwa
siya kasi last chance na ito for this day. Tumayo na ang babaeng kanina pa niya
tinititigan,
“Hi! I’m ------“
“Gembong!!! Pahiram ng ballpen!” sigaw sa kanya ni Lou,
classmate niya rin nung last sem.
Before he realized it, hindi niya na naman narinig ang
pangalan ni crush.
“Anak ng inupakang
butiki naman oh! Ano ‘to? Divine Intervention? Nasa Wow Mali ba ako?” tanong na
lamang sa sarili.
Para kasing pinagtitripan siya. ‘Yung sa kanta ulit, kaso
nga lang negative. (It’s as if the powers of the universe, conspired….Yeah.)
Parang koreanovela lang?
“Nakakaasar na huh!”
“AYOKO! Wala akong ballpen, at ‘wag ka na munang
makipag-usap sa akin!” hindi man sinasadya, dahil sa sobrang badtrip, eh
pabalang niyang sinagot ‘yung dakilang asungot, na kung makasulpot sa moment, WAGAS. Last subject na kasi nila ‘to! Buong oras, wala na siya sa
mood.
“I need her name!”
Para naman may
pangalan na ‘yung future niya! Naks, ‘pag in-love pala--- d*mn.
“I’m in love!” bulong
(kaya?) ng konsensiya niya. (Realization Hits) All the more na kailangan niya
nang malaman ang name ni Ultimate Crush.
“Karen,” sabi ng instructor nila. Usual din na ganun,
tatawagin nito sila isa-isa.
“Sino pong Karen?” pa-chorus na tanong ng mga classmates
namin. Call it men’s intuition, pero iba ang kutob niya sa name na ‘yun.
“Karen Grace
Palisoc!” ulit ng instructor namin. Tumutok agad ang mata niya kay Ms. Right.
Then she raised her hand, sabay tawa. At that very moment, may nadagdag na
naman sa realizations niya for this day. He fell in love with her name.
Karen Grace Palisoc,
nice meeting you.
A/N: The edited version, although medyo nakakalito,
nakakalito talaga, naku! Pagtiyagaan na po!!!
N/P: Teardrops in the Rain by C.N. Blue
PPS: I believe in love at first sights. Those are rare
events that shouldn’t be disregarded, because out of 7 billion people in this
world, a pair fell in love without being forced to do so, or being obliged, or
being developed. It is love in its purest form. Sparks, tingles, butterflies in
the stomach, blushes, fast heartbeats, and extreme adrenaline… those things.
No comments:
Post a Comment