Verse 7
“Day After
Valentines Part 2”
Hindi niya alam kung ano ang uunahing gawin, ang ngumiti
dito, o ang ipagpatuloy ang paglalakad. Mahirap mag-multi-task sa mga ganoong
senaryo. Ito na yata ang pinaka- reckless na nagawa niya sa tanang buhay niya, maging
sa buhay ng lahat ng kalalakihan. Ang mangharana, at sa ayaw at sa gusto niya,
nanginginig talaga siya. Gulat ang lahat, as in lahat… Alam niyang overwhelmed
si Karen sa mga pinag-gagawa niya, pero hindi ito ang oras para bigla na lamang
siyang umatras. Tutal, marami nang nakahalata, lubus-lubusin na. Ang nasa isip
niya sa mga oras na iyon ay ang ipakita lang kung ano ‘yung nararamdaman niya
para sa babaeng rason kung bakit wala pa siyang absent ni minsan. ‘Yung babaeng
rason kung bakit hindi siya makatulog sa gabi. Ang babaeng rason kaya siya
napalaro ng CityVille. Heto na talaga… Ipaparamdam niya dito ang mga gusto
niyang sabihin sa tanging paraan na alam niya. Ang musika.
Just the Way You Are
Mabuti na lang at nasa likod lang niya iyong mga kaibigan
niya, hindi siya nangniming tingnan ang kanyang ultimate sa mata, kahit ba
umiiwas agad ito ng tingin. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o naasar.
Bahala na.
“Karen Grace Palisoc… I love you.”
This time, hindi na lang hangin ang nakarinig. Buong klase
na, nag-echo pa.
No comments:
Post a Comment