Verse 2
Impressions
Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumali sa usapan ng mga
kaibigan niya sa mga oras na iyon. Pinag-uusapan kasi nila ‘yung mga bagong
classmates nila, at karamihan sa mga naririnig niyang comments eh medyo hindi
maganda. Hindi na lang siguro siya sasali, wala naman talaga sa ugali niya ang
magsalita ng kung ano laban sa kapwa. Call it prudence, righteousness,
insensitivity even, pero ‘yun talaga siya. Good thing was, kahit alam niyang
hindi siya palaban, or warfreak, at medyo mild nga kung maituturing ‘yung ugali
niya, hindi siya nabu-bully. Sabi nga ng isang friend niya, ang aura raw niya
ay ‘yung parang sa isang bata, vulnerable with a hint of wisdom, the kind whom
you’d always want to protect. That sums it all, she is the kind of girl whom
people would easily trust, because her personal strength is somehow hidden
beneath her vulnerability, and that makes her pure. Napangiti siya sa ala-alang
iyon. ‘Yun na ata kasi ang best na narinig niyang description para sa sarili.
“Hindi naman siguro…” singit niya sa usapan.
“Hay naku Barbie… Kung narinig mo lang sana ‘yung usapan
nila kanina. Mukhang type ko nung… Ano na ulit pangalan nun?” sabi pa rin ni
MJ.
“Sino? ‘Yung… wala akong maisip na description eh. Haha,”
sagot naman ni Felma.
“’Yung naka-upo sa likod, ‘yung matangkad, pero hindi ‘yung
pinakamatangkad…”
“Ah! ‘Yung pambabae ang pangalan?”
“Oo! ‘Yung Jemba? Jom? Jam? Basta J!”
“Gembong ata,” hindi nakatiis na sagot niya. Naalala niya
‘yung lalaking nasa likod, na akal siguro eh hindi niya napapansin, pero alam
niyang nakatingin ito sa kanila, 70% sure na sa kanya.
“Oo!!! Tama! May gusto sa’yo ‘yung Gembong na ‘yun!”
Ngumiti lang siya, kasi, paano ba dapat mag-react during
this times. And disappointed siya, kasi sa iba pa niya nalaman. One month na
silang magka-classmates, at wala masyadong interaction.
Inisip tuloy niya, what if she didn’t learbn it from
someone? What if?
“Hindi kaya, kasi sila na ata nung si Lou, ang sweet kaya
nila last week,” sabad ni Chinnie.
“Ay, oo! Parang gf na niya ‘yun eh. Saka ‘wag niyo na ngang
lokohin si Karen, bata pa ‘yan. ‘Di ba nga, basted ‘yung nanligaw last sem?”
Tahimik pa rin siya, habang pilit na nirerelive ‘yung mga
kaganapan noong nakaraang semester nila. Kung pwede lang sana ay ibinaon na
niya iyon sa limot, kasi nalilito pa rin siya hanggang ngayon. Naalala na naman
niya iyong mga priorities niya, at nasa least lang ang relationship. Hindi man
niya sinasadya, napasimangot siya at napansin iyon ng ibang kasama niya. Ayaw
man niyang aminin, pero sumama ang loob niya sa kaalamang hindi siya ang gusto
nung lalaking iyon, which puzzled her, because she doesn’t feel anything about
him, or so she thought.
“Mabait siya… Siguro,” ‘yun na lang ang nasabi niya.
No comments:
Post a Comment