Verse 4
“ Prelude”
Hindi kasi siya ‘yung tipong madaling ma-inlove. Madalas
kaysa sa hindi, kailangan talaga ng matinding effort para mapa-sagot siya, at
kung iisipin, wala pa sa mga iyon ang katulad nito.
***
“Hi..”
“Hello po!”
“Good Morning!”
“Same, may assignment po ba?”
Hindi niya alam kung bakit ‘yun pa nag nai-send niya dito sa
texter niya na makulit. Hindi siya ‘yung tipong kinakalimutan ang school
requirements, at hindi na niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinanong
ito kung may assignment ba.
“Hala ka, hindi ka nagtetake note.”
“Hindi naman po! Joke lang po ‘yun! J”
“Nagjo-joke pala ang bata!”
“:P”
Isa pa ulit sa mga hindi niya maintindihan na nangyayari sa
kanya ay ‘yung konting tuwa na nararamdaman niya kapag nagtext na ito. She felt
like a silly schoolgirl who had just chatted with her ultimate crush, but then,
sa tingin niya eh mali ‘yun, kasi for one, hindi naman yata niya gusto si
Gembong. Pero sino ba siya para sabihin na wala siyang nararamdaman para dito,
eh wala pa naman siyang experience sa ganitong feeling, na ayaw muna niyang
bigyan ng pangalan, for it is sacred, and cannot be used at whim. Concern?
Friendship? That feeling of being safe, of completely being a princess?
Hindi man nito sinasatinig, hindi naman siya boba para hindi
maa-gets kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa, and there
were moments na ini-imagine niya, “Paano kaya kung talagang nanligaw ito?”
Saka naman tumawag ang nanay niya, na as usual, mabait ang
tono, pero mahahalata ang pagiging istrikto. Isa ito sa mga rason kung bakit
hindi ko ma-seryoso ‘yung mga nagpapahaging. Ayaw niyang i-disappoint sila. ‘Yung
ang pinaka- hate niya sa lahat.
Men’s minds for her is an enigma, kung paano ba sila
mag-isip, mag-react, those things. At dahil nga sa hindi niya ma-gets kung
paano ‘yun, hindi rin siya maka-isip ng tamang reaction.
Until…
thank you imee! tuloy mo lang. hahaha :D
ReplyDelete