Valentines Serenade
“Linus! ’Buti nandito ka na! Room 4425, dali kasi 30 mins na lang, mag be-bell na...Tapos na klase mo?’’ parang ewan naman daw ‘tong co-member ko na ‘to. Hahaha ..
‘'Nga pala, I’m Linus, 3rd year Accountancy student. At kabilang ako sa isa sa mga group na nagfundraising ngayong Valentines dito sa campus. Bilang taga- Serenade syempre. Kahit ‘di nyo naitatanong at kahit 'di kayo interested, marunong akong kumanta mga dude.. Saka since parang hindi raw ako marunong magsuklay, kamukha ko raw si Kean Cipriano, no kidding.. Kaya lang, wala tayong date ngayong araw ng mga puso .. Akalain mo yun?
Mabalik, mabalik … Tapos na klase ko, kaya balik na ako sa ‘trabaho’.
"Marami tayong benta ah …" sabi ko na lang..
“Si Josh? Hindi ko kasama?” hanap ko sa lagi kong kasama pag nag seserenade na.
“’Andyan lang yun, Just the Way You Are daw ang song, kaya?’’
“Syempre, ako pa ..”
So ayun, pumunta na kami sa Room ng kakantahan namin. Tinatamad naman daw si Josh kaya solohin ko na lang daw ‘yung kanta..Nasa 2nd line na ako ng subukan kong ilibot ang paningin ko. At nakita ko SIYA .. The girl with the most enticing eyes I’ve ever seen. The one with the coal-black hair, the cutest nose, those reddish cheeks and the oh-so-kissable-looking lips.. Sy*t …At mukhang na-inlab pa ako.. (Deim,parang bading lang ah … na inlab??Lol…) Buti hindi ako nag-falter sa pagkanta ..Kakahiya kay miss … sa kanya ..Ano kaya pangalan nya? Unti the last part ng song eh sa kanya na ako nakatingin, hindi naman ako garapal sa pagtitig ano? Aaaarrghhh, ganito ba talaga? Parang…parang, narealize ko na I’m missing so much in life pala noon ..Kasi hindi ko pa sya nakikita… Aww shucks na banat. I must be so red right now, parang hindi na lalaki! No way, I am so not gay, mind you.
‘Nung matapos ‘yung song, binasa ni Josh ‘yung name ng nagpaserenade sa buong klase nya … Nancy Castanieda raw.. Lumingon silang lahat kay .. SIYA?? Siya si Nancy?? So NANCY pala ang name ng babaeng mukhang may puwang na sa puso ko .. Ang ganda kasi ng smile nya .. At parang mabait talaga sya … AWww.. Ang OA ko na talaga .. Parang hindi lalaki kung maka-emote… May pa emote emote pang nalalaman eh..Palakpakan sila nang umalis na kami.
Nancy’s POV
1st sem na naman 4th year na ako..
First day at since block naman ako, hindi ako ninenerbyos. Pagpasok ko ng room, natuwa ako kasi karamihan sa mga ka-block ko dati eh kasama ko pa rin ngayon. May ilan nga lang na nadagdag. So, nagpakilala naman na daw kami ah… Ako yung una since ako yung nasa ‘likod’ ,at nakatayo ako at nakaharap kaya hindi ko napansin ‘yung pumasok…
“Wait! Mister, before you sit, introduce yourself first,” sabing ganun ng instructor namin , pagkatapos kong magsalita.
“Uhm..Good morning everyone,’’ ang cool ng boses, naalala ko tuloy si Mr. Serenader ..Na-curius ako at lumingon sa nagsalita.. Si Mr. Serenader ko?!!!!!Shucks!!! Sya? Hindi nga??? Sya talaga?? (Nancy,knock knock ..paulit ulit ka lang) Ang lalaking gwapo at magaling kumanta na crush ko nung last sem? Kasi naman, ang sweet nya.. Nag-send sya ng stuffed toy sakin, under the name ‘serenade’ lang…’Sya nga!!!
Nakatingin ako sa kanya nang lumingon sya sa banda ko, parang nabigla rin sya saglit, saka ngumiti,”I’m Linus Figuerroa, 19 yrs. Old, BSAc4 student, and …. NICE TO MEET YOU,” nakangiting sabi nya, habang nakatitig sa’kin.. (A/N: thud.. thud…thud …heartbeat).
“Love?UNDEFINED.. Belated Valentines!!!!”
~~~fin~~~
Imee Florence Alfonso
02-16-11
9:32 pm
Edit: A/N (1-5-12 9:09 PM) : Yep, malapit na naman ang Valentines, and naisip ko lang na i post din ito dito sa blog ko.
No comments:
Post a Comment