Pangiti-ngiti pa rin si Karen kinabukasan. Halatang may lablayp.
Pangiti-ngiti rin si Gembong kinabukasan. Halatang siya ang lablayp.
"Ang lame pala ng confession natin kahapon?"
"Hala! 'Wag mo na ipaalala, lame talaga."
"Pwede ko namang i-justify eh."
"Sige nga."
"Because people in love can become anyone that is out of their character. Like how I became a poet, how you became outgoing, how we became lame."
"All in the name of love?"
"Ay, hinde.. "
"Hampasin kita?"
":)"
Showing posts with label Kwentong Kolehiyo. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Kolehiyo. Show all posts
Tuesday, February 14, 2012
Monday, February 13, 2012
TFTIESYF
A/N: Last. Last.Last. And sana, na -meet ko expectations niyo.
Verse 10
Verse 10
"Kahit Hindi Sana Ikaw, wala eh, ikaw talaga."
In fairness kay Gembong, never itong nag-falter sa 'panliligaw' sa kanya.
Ilang months na ba ang nakalipas?
At hanggang ngayon eh nagtetext or whatever pa rin sila.
Friendly dates here and there.
Hanging out.
At hindi niya napapansin, during those times ay naipakilala na nila ang sarili sa isa't-isa.
And it felt good. It's like finding a soulmate. Even more than that.
"Kumusta na kayo ni Gembong?" tanong sa kanya ng friend niya. Minsan talaga, hindi na niya alam kung matutuwa ba siya o maasar na. Kasi, eternally na nakadikit ang pangalan niya sa lalaking iyon, at hindi naman nakakatulong 'yung pagsama-sama rin nila sa lakad.
"Anong kami? Kami ba? Hindi!"
"Parang nga, may nababalitaan ako eh."
"Ano naman 'yun?"
"May crush daw siya sa block nila."
That must be the worst thing she ever heard today.
Doon niya na rin naisip 'yung idea na matagal na niyang ayaw isipin, ayaw harapin, ayaw pakisamahan.
Kasi para sa kanya, bawal.
Para sa puso naman niya, "Wala akong Pake!"
Dun na nga nagsimula ang gyera ng puso at isip niya. Kung ano ba ang tama, kung ano ba ang dapat, at kung ano ba ang gusto niya.
"Hindi! Hindi ko siya gusto at never na magiging kami!" paimpit na sigaw niya, para sana paalalahanan ang sariling iyon ang dapat.
"Dapat pala, noon mo pa iyan sina di ba? Para naman at least, hindi ako umasa?" Boses ni Gembong.
At nagulat siya dahil nasa likod pala ito, puno ng hinanakit ang mukha.
"I..I.. hin..."
"Wag na Karen, sa totoo lang, nakakapagod din palang umasa, pero dahil nga nagmamahal ako, umaasa pa rin ako. Pero minsan din pala, kailangan sumuko na, lalo kung abala na lang ako sa 'yo."
"Wala naman palang silbi 'yung effort ko eh, masabihan lang na ma-effort ako. 'Yun lang. Pero wala talaga eh, sa tingin mo ba, kung natuturuan ko lang ang puso na magmahal ng iba, naks... Sa tingin mo, gugustuhin kong ma-in love sa babaeng masyadong matayog?
Sa tingin mo, mag-iipon ako ng isang drum ng lakas ng loob para lang iparating sa babaeng iyon ang nararamdaman ko? Kung ibang babae ba 'yun, gagawin ko kaya? Ang tingin ko, isang malaking hindi. Sa'yo lang. Pero masyado na akong maraming nasabi, dapat nga kanina pa ako naka-alis eh. Pero ewan ko ba.Parang, all these time, handa ako dun sa idea na hindi mo nga talaga ako gusto. Pero Karen, masakit pa rin pala talaga. Kahit ang alam ko, handa na ako. 'Pag narinig ko na pala 'yun mismo-----"
"Teka lang! 'Wag mo nang tapusin 'yang speech mo! Para ka nang running-for president niyan eh. Wait lang! Wait! Wait lang talaga.. Tutal nagsasabihan na rin tayo ng mga feelings natin et cetera. Let me tell you this."
"Teka lang din! Tara sa labas! Mas maganda ang ambience dun," sabi agad nito, at inakay siya papuntang gardens.
"Para sa isang lalaking dapat eh heartbroken na ngayon, masaya ka pa rin."
"Ayaw ng mga lalaking ipakita ang mga kahinaan nila sa babaeng gusto nila."
Wala na siyang nasabi, somehow, naintindihan niya ito, at tahimik lang siya na sumunod dito.
"Totoo ba yun?"
"Alin?"
"'Yung sinabi mo?"
"Hindi! Nabigla lang ako dun! Hindi naman sa hindi talaga kita gusto."
"Eh ano pala? Nabingi lang ako?"
"Ang sungit mo!" at umasta siyang aalis na lang. Pero agad siya nitong pinigilan sa braso. And yeah, the typical thing. That bumping of lips called kissing. Then Sparks Flew! Past tense ng kanta ni Taylor Swift.
"Hala!!!!"
"Isang tanong, isang sagot, oh, huminga ka." Yugyog pa nito sa kanya.
And for the first time, nag relax din ang kanyang nerves.
"Mahal na kita, kahit hindi kita type." At nakita niya ang pagka bigla sa mukha nito. 'Yung tipong hitsura ng taong naka lunok ng isang piso.
"Kailangan talagang idagdag pa iyong huli? Eh ano ang type mo?"
"Wala! Wala sa isip ko iyan, wala sa panaginip ko, wala sa dalangin ko, wala sa expectations ko.Panira ka nga lang kasi ng plano, sumulpot-sulpot ka pa kasi."
"Wala ka na ring magagawa, I'm here now, and this is for good."
"'Yun na nga eh! Alam kong nandiyan ka lang, and before I knew it, alam ko na nandiyan ka!"
"Huh?"
"Nasanay na ako sa presence mo, kaya nung feeling ko eh mawawala ka na, ewan ko ba! Parang masama iyong loob ko." This time, naka upo na siya at nakatinagala dito.
"So, ano na? Ilang buwan mo nang pinag-iisipan kung may gusto ka ba sa akin, wala ka pa ring conclusion?" Nakangiti na si Gembong. Wala na sa lalamunan siguro ang piso.
"Matagal na akong may conclusion, hindi ko lang inacknowledge kasi."
"And?"
"Ang engot mo! Nasabi ko na nga kanina 'di ba? Ayoko ng ulitin, bingi kasi."
"-----"
"Kelan mo ako sasagutin?"
"Next month?"
"An tagal?"
"Magrereklamo ka pa."
"Hindi na po."
"Gutom na ako."
"Tara, kain."
Ay hinawakan nito ang nanlalamig na kamay niya, sabay ngiti.
"Next month pa raw, holding hands na tayo. :)"
"Haha. Sure."
~~~~~ end~~~~~~~

A/N: Supposed to be, three parts ito. I've decided to make it one, as the penultimate chappie.
Verse 9
Nag-aabang si Gembong sa corridor.
Wala pa rin ang hinhintay niya.Ano kaya ang nangyari?
Napapansin na niya na simula nung confession niya noong Valentines,
parang lagi nang hindi niya nadadatnan or nalalapitan si Karen. Bakit kaya?
Papasok na sana siya ng classroom ng makita niyang palapit na ito. Ngumiti siya, pero nadismaya rin kasi...
"Anong tinitingnan mo diyan sa... pader?" Nilapitan pa niya at sinipat ng maigi ang tinititigan nito.
"Huh?" Nagbublush pang umiwas uli ito ng tingin.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Huh?"
"Huh na lang ba ang kaya mong sabihin?"
"Huh?"
He sighed. Hopeless na ito. Although, na-dedepress din siya sa ginagawa nito sa kanya,
natutuwa rin siya sa kaalamang nararattle din ito. "May effect..." anang isip niya.
"Time na pala," tumingin pa ito sa braso nitong, walang relo. "Ahaha.."
"Time na talaga... para sabihin mo kung ano ang ginagawa natin ngayon." At humarang siya sa daan nito.
She looked so cute, being like that. Para na silang mga batang naglalaro ng patintero, at siya ang nananalo. Hindi niya ito pakakawalan hangga't hindi nito sinasabi kung anong meron.
"Iniiwasan mo ako eh. Pero hindi dahil naiilang ka." Bumaling siya sa kaliwa, dahilan para mapaatras din ito sa may pader. Cornered.
"Gembong..."
"Whoa!!!!! First time! Tinawag mo ako sa pangalan ko!!!" Tumawa siya ng bongga. Saka na siya made-depress, heto sa harap niya ngayon ang babaeng itinitibok ng puso niya, at kung may mas isasaya pa siya sa minutong iyon, iyon ay ang sagutin na siya nito.
"Sarcastic ba 'yun?"
"Hindi!!! Masaya ako! Pero mabalik tayo." At hinarang pa talaga niya ang sarili sa daraanan nito. Sana nga lang, wag pa mag-time.
"Hindi! Hindi kita iniiwasan, nasa corridor nga lang kasi talaga tayo!"
Gustuhin man niyang i-skip na lang ang confrontation na iyon, kailangan niya itong kausapin.
"Karen naman... "
"Excuse me..." Bago pa siya naka-react ay mabilis na itong nakalusot at dire-diretsong umalis.At 'yun nga, nakatitig na lang siya sa papalayong likod nito.
"Takot ka, sa kung anong pwedeng nararamdaman mo na sa akin... " wala sa sariling bulong niya. "D*mn, why do you have to be so far?"
****
It would've been better if she hadn't heard that last line. Because now, it's creating havoc in her system.
"Hindi ako takot." Pero sino ang pinapaniwala niya? Ang sarili?
"Good morning!"
"Good ----"
Nag-ring ang phone niya.
"Libre ka ba mamaya?"
What should she answer? Iiwas na naman ba siya? "Takot ka sa maari mong maramdaman."
Hindi pa rin mawala sa isip niya iyon. Tama nga kaya ito?
If only she could be a ninja.
Or she could make herself invisible.
Or she can read minds, kasi ngayon, hindi na niya maisip kung ano ba ang dapat na gawin niya.
Ngayon lang na siya naituring na ganito, someone special by someone she had just met.
"Hindi ko pa alam."
Wala siyang standards sa taong mamahalin niya, kung magmamahal naman kasi, hindi parang audition lang na mamimili ka. Although, somehow, audition nga,
pero hindi siya ang judge, ang puso niya.
At ang sinasabi ng puso niya ngayon.
"Ewan."
"Ano?"
"Sige, bahala na."
Napapailing na lang siya kasi halatang masayang-masaya ang loko.Napangiti rin siya, somehow, seeing him so happy makes her happy as well. Saka na uli siya mag-iisip, for now, i eenjoy niya muna iyong kung ano sina Gembong at Karen Grace ngayon. Kung ano man iyon.

Sunday, January 29, 2012
TFTIESYF
Verse 8
“Day After
Valentines Part 3”
A/N: Ang haba kasi ng araw na ito! Haha!!!
Sinalubong niya ang mga mata nito. Kahit naiilang siya,
nangingibabaw iyong tuwa at kilig. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ‘yung
ginawa niya. Nabasa kasi agad niya sa mga mata nito iyong pagmamahal na
isinigaw lang nito kanina. Hindi siya makagalaw, parang may mga paru-paro sa
sikmura niya, at habang tumatagal ang paghihinang ng kanilang mga mata, ay ang
paglalim din ng espasyo sa kanyang puso. Nakita niya ang sariling nahuhulog sa
bangin na iyon, at wala siyang nakakapitan. Ang ipinagtaka lang niya sa imahen
iyon, ay hindi siya sumisigaw habang nahuhulog, at walang bakas ng takot ang
kanyang mukha. Falling. Falling.
Lumapit ito at may iniabot na isang bagay… “Seryoso ako sa
sinabi ko kanina.”
Wala sa sariling inabot niya iyon, pero biglang nagdalawang-isip
at ibabalik na sana niya ng mabingi na sila sa lakas ng tilian ng mga babae sa
classroom nila.
“Hindi ako mangungulit, pero hindi rin ako tatahimik lang.
Ipaparamdam ko sa ‘yo na ‘andito lang ako, at hindi na magbabago kung ano man
iyong sinabi ko kanina.”
Napangiti siya,pero bigla ring lumungkot. Marami pang
nagtatali sa kanya, at hindi pa niya kayang dalhin kung ano man ang meron sila
mula ng araw na ito, dun sa susunod na kabanata. Sa dami ng gusto niyang
sabihin nung mga oras na iyon, walang narinig ang sinuman mula sa kanya.
TFTIESYF
Verse 7
“Day After
Valentines Part 2”
Hindi niya alam kung ano ang uunahing gawin, ang ngumiti
dito, o ang ipagpatuloy ang paglalakad. Mahirap mag-multi-task sa mga ganoong
senaryo. Ito na yata ang pinaka- reckless na nagawa niya sa tanang buhay niya, maging
sa buhay ng lahat ng kalalakihan. Ang mangharana, at sa ayaw at sa gusto niya,
nanginginig talaga siya. Gulat ang lahat, as in lahat… Alam niyang overwhelmed
si Karen sa mga pinag-gagawa niya, pero hindi ito ang oras para bigla na lamang
siyang umatras. Tutal, marami nang nakahalata, lubus-lubusin na. Ang nasa isip
niya sa mga oras na iyon ay ang ipakita lang kung ano ‘yung nararamdaman niya
para sa babaeng rason kung bakit wala pa siyang absent ni minsan. ‘Yung babaeng
rason kung bakit hindi siya makatulog sa gabi. Ang babaeng rason kaya siya
napalaro ng CityVille. Heto na talaga… Ipaparamdam niya dito ang mga gusto
niyang sabihin sa tanging paraan na alam niya. Ang musika.
Just the Way You Are
Mabuti na lang at nasa likod lang niya iyong mga kaibigan
niya, hindi siya nangniming tingnan ang kanyang ultimate sa mata, kahit ba
umiiwas agad ito ng tingin. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o naasar.
Bahala na.
“Karen Grace Palisoc… I love you.”
This time, hindi na lang hangin ang nakarinig. Buong klase
na, nag-echo pa.
TFTIESYF
Verse 6
“Day After
Valentines”
Masaya ang lahat. Side-effect ng katatapos lang, err. .
.nagpapatuloy pala na Valentine’s celeb. Maaga siyang pumasok kasi maaga siyang
nagising. Hindi naman masasabing disappointed siya sa nangyari, rather, kawalan
ng nangyari kahapon, pero parang hindi na siya convinced na seryoso nga ang
lalaking iyon sa pagpapahagin sa kanya. Ni isang text nga ay wala siyang
natanggap sa buong araw na iyon, bagay na ipinagpasalamat niya. Hindi rin siya
disappointed dun, kasi hindi naman siya nag-eexpect, pero sino ang niloloko
niya? Bakit siya tingin ng tingin sa cell niya?
“Makapunta na nga lang sa school.”
****
“Karen! Good Morning!!!” Ngumiti naman siya, “Good Morning
din.”
“Grabe, ang saya kahapon, hanggang ngayon, kinikilig pa rin
ako…” si Diane.
Hindi na siya nag-comment, at kung may makakabasa sa iniisip
niya ngayon, sasabihing bitter siya. Well, maybe not bitter, just a bit
jealous. Sino ba namang matinong babae ang hindi kikiligin kapag hinarana ka, sa harap ng buong klase?
Romantic ‘yun… Napangiti siya. Sana--- agad din niyang sinaway ang sarili. No
more expectations for this day. Para na rin niyang inamin na nag-expect nga
siya kahapon.
“Blah blah blah…” ang instructor naming ng may kumatok sa
pinto. Meron na naman atang mangyayari. Excited siya, ano na naman kayang
pakulo nila? Masaya na lang siya kasi kahit papaano ay natigil lang saglit ang
klase nila. “May dalang balloons..at saka flowers…” sabi ni MJ, na katabi niya.
“Ang sweet talaga,” napatingin siya sa hawak nung lalaking pumasok.
“Saan po si Ms. Karen Grace Palisoc?” tanong noong lalaking
may hawak ng mga bulaklak. Napatigil siya. At bago pa ma-absorb ng utak niya na
siya nga iyon, naituro na siya ng mga classmates niya. Overwhelmed, all she
could do is smile. Lahat yata, liban sa ilan, ay nagulat, nagtataka, naiintriga
sa kung sino man nag nagpabigay nun. Hindi pa man siya nakakabawi ay nagsimula
nang kumanta ‘yung mga lalaki. Pinipigil niya ang sariling lumingon sa likod,
if he wants to keep his identity a secret, then so be it. Sa kabila ng shock,
hindi pa rin niya napigilang kiligin, it’s elementary, no woman can resist
being treated as a muse, as a princess. “Hala….” Sa kawalan niya ng masabi.
Impit na napapatili ang mga katabi niya, at okay! Parang gusto na rin niyang
makitili.
It’s her hair and her eyes today.
That just simply take me away.
“Hi!”
“Hello din kuya!”
“Hmm…”
“J”
“Anong shampoo mo?”
“Haha, ano iyan? Banat?”
“Hindi, wala lang talaga akong masabi… Haha.. Aww,
nakakahiya ako…”
And the feeling that I’m falling further in love makes me
shiver, but in a good way…
Hindi siya mahilig mag-recite, lalo na kapag ganitong mga
topic. “Do you believe in destiny?” ang tanong na hindi niya inasam na sagutin
kahit kalian. Pero ang lalaking iyon, nagtaas ng kamay. “Yes maam, because I
also believe in love.” Nagtawanan ang lahat, siya lang ang parang natigilan sa
sagot na iyon.
All the times I have sat and stared, as she thoughtfully
combs through her hair…
As she purses her lips, bats her eyes and she plays with me
sitting there slack-jawed and nothing to say…
“Nakatingin siya sa iyo, alam mo ba iyon?”
Alam niya, hindi nga lang niya maibalik ang mga tinging
iyon. This is making her crazy! But, yeah, in a good way.
‘Cause I love her, with all that I am.
And my voice shakes along with my hand.
‘Cause she’s all that I see, and she’s all that I need,
And I’m out of my league, once again.
Those lyrics, habang pinakikinggan niya ang mga iyon,
naalala niya iyong mga instances na nagkausap sila at napangiti siya, kasi
tama, parang nanginginig ito noon. Hindi man lang niya nahalata na ganoon na
pala ang nangyayari dito, at siguro, maging sa kanya. For her, what she’s
hearing now is more than just a song, it’s the very embodiment of his feelings
for her, at hindi ito nagkamali, his feelings have reached her.
It’s a masterful melody,
When she calls out my name to me.
As the world spins around her,
She laughs, rolls her eyes,
And I feel like I’m fallin’ and it’s no surprise.
To say that she is shocked would be the worst understatement
of the year. Dahil nasa kantang iyon na ang lahat, at ramdam talaga niya ‘yung
lyrics. “Ateng!!! Ang swerte mo! Kung si Vince man iyan o kung sinong Poncio
Pilato, grabe! Ang effort niya! Sobra!!!!” sigaw sa tenga niya ni MJ. Bago pa
man niya napigilan ang sarili , “Hindi… Hindi si Vince…” Pumasok ito sa
classroom, may dalang gitara. “Siya…”
Friday, January 27, 2012
TFTIESYF
Verse 4
“ Prelude”
Hindi kasi siya ‘yung tipong madaling ma-inlove. Madalas
kaysa sa hindi, kailangan talaga ng matinding effort para mapa-sagot siya, at
kung iisipin, wala pa sa mga iyon ang katulad nito.
***
“Hi..”
“Hello po!”
“Good Morning!”
“Same, may assignment po ba?”
Hindi niya alam kung bakit ‘yun pa nag nai-send niya dito sa
texter niya na makulit. Hindi siya ‘yung tipong kinakalimutan ang school
requirements, at hindi na niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinanong
ito kung may assignment ba.
“Hala ka, hindi ka nagtetake note.”
“Hindi naman po! Joke lang po ‘yun! J”
“Nagjo-joke pala ang bata!”
“:P”
Isa pa ulit sa mga hindi niya maintindihan na nangyayari sa
kanya ay ‘yung konting tuwa na nararamdaman niya kapag nagtext na ito. She felt
like a silly schoolgirl who had just chatted with her ultimate crush, but then,
sa tingin niya eh mali ‘yun, kasi for one, hindi naman yata niya gusto si
Gembong. Pero sino ba siya para sabihin na wala siyang nararamdaman para dito,
eh wala pa naman siyang experience sa ganitong feeling, na ayaw muna niyang
bigyan ng pangalan, for it is sacred, and cannot be used at whim. Concern?
Friendship? That feeling of being safe, of completely being a princess?
Hindi man nito sinasatinig, hindi naman siya boba para hindi
maa-gets kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa, and there
were moments na ini-imagine niya, “Paano kaya kung talagang nanligaw ito?”
Saka naman tumawag ang nanay niya, na as usual, mabait ang
tono, pero mahahalata ang pagiging istrikto. Isa ito sa mga rason kung bakit
hindi ko ma-seryoso ‘yung mga nagpapahaging. Ayaw niyang i-disappoint sila. ‘Yung
ang pinaka- hate niya sa lahat.
Men’s minds for her is an enigma, kung paano ba sila
mag-isip, mag-react, those things. At dahil nga sa hindi niya ma-gets kung
paano ‘yun, hindi rin siya maka-isip ng tamang reaction.
Until…
TFTIESYF
A/N : Sheesh! I need to update since this is a special
day!!!! (That’s what has been ringing on my mind since I learned what day today
is.) This one might be rushed, but enjoy.
Verse 3
“Perhaps
Love”
Days and months have passed. Wala masyadong development.
Masyado, kasi, meron naman kahit papano. Like for example, friend ko na sila sa
Facebook. Wooh! Ang saya niya ‘nung time na ‘yun. Pangit pala impression nung
mga friends nito sa kanya, narinig niya one time.
“May kayabangan siya ng konti,” narinig niyang comment ng
isang kaibigan nito sa kanya.
“Patay na, bad shot na ata ako sa kanya.”
Natahamik na lang siya
nung tumawa lang ito, ganun ito, masyadong mabait at bungisngis, haay…
“Nasa choice of words lang siguro ‘yun, baka naman hindi rin
niya sinasadya,” sabi naman ni ‘ultimate’. At kung hindi pa ba naman siya
tinatamaan ng kabaliwan, ang tawag na niya kay Karen eh Ultimate. As in
ultimate crush, love. Ultimate everything, ‘yung parang imprint sa werewolves
ng twilight, parang akai ito sa Japan, Juliet ni Romeo, Daphne ni Apollo,
soulmate sa English, at Jayrol ni Piolo. ‘Yung mga ganun ba? ‘Yung tipong she
completes him in every way possible. He can’t say that he can’t live without
her, because without her, he won’t be living in the first place. Basta, ‘yun.
Hihihi.
Oh, *Realization Time!* Pinagtatangol siya ni Ultimate!
Imagine ang saya niya nung time na ‘yun? Kahit pala hindi sila masyadong close,
mabait pala talaga ito? She is kind and sweet, kasi he never heard her badmouth
or even just criticize something or someone. Tumatawa lang ito. The more na
nakikilala niya, the more na nagugustuhan niya, parang Law of Attraction, (A/N:
na as usual, imbe-imbento ko lang, c’mon, I’m the writer, may karapatan akong
magpaka-scientist..hahaha) parang sa Econ, Law of Increasing Chorvaness.
“Mabait siya,” sabi pa ni ultimate, na lalong nagpakilig sa
kanya.
“Woi, ano ‘yan???” biglang siko sa kanya ni Joel, na ngayon niya
lang napansin na katabi niya na pala.
“Wala, nagbabasa lang ako,” sabay taas dun sa book na
malamang ulit, hawak niya. Wala pa kasi silang klase nung time na ‘yun, kaya usapan muna ang
nangyayari.
“Eh, ba’t ka dito nakaupo?”
“Gusto ko dito eh,” sagot niya naman, “mas malapit sa
kanya.” Pero syempre, isip na lang niya ang may sabi nung huli.
“Eh, bakit baliktad ‘yang binabasa mo?”
“Syempre para makapag-recite ako mamaya!”
“Adik ka. Adik.” ‘Yun na lang ang nasabi nito at umalis na,
parating na rin ang instructor nila.
“Adik na talaga ako.”
Speaking of developmentgusto niyang makuha ang number nito,
pero ang tanong, paano? Na-check na niya ang FB Account nito, walang nakalagay
na number. Paano nga kaya? Lalapit ba siya, tapos
“Uhm, hi, May I get
your number?”
“Paano ‘pag ‘di niya ibinigay?” tanong ni Gembong Number 1.
“Paano naman kung ibinigay niya?” pangontra ni Gembong
Number 2.
“Anong gagawin mo after nun?” tanong ng mga ito. Ano nga
kaya??? Magsusulat na lang siya sa papel,
“Hi, May I get your number?”
“Lagyan mo ng pangalan para hindi magkamali ‘yung
makakatanggap,” suggestion ni Gembong Number 2.
“Eh, paano kung Class number ‘yung isulat niya?” tanong ni
Gembong Number 1. Oo nga ano? Hmm. Ano pa ba?
“Wala nang chance,”
si Gembong 1.
“Meron pa kaya!” si Gembong 2. Para na tuloy siyang baliw
talaga. Makipag-usap ba naman sa kanyang mga alter-ego.
***
He got home na ‘yun pa rin ang iniisip. Paano niya makukuha
‘yung number ni Ultimate? Aantayin na lang niya sa Facebookk, at pagka-log in
nga, presto! Online ito. Click her name on the chatbox, type… type… type… type…
type… Hindi niya ma-press ang enter. Hinga malalim… type hi… delete hi… type
hello… delete hello…type oy… delete oy… May I have your number? Matagal din
siyang nakikiramdam dun sa cursor, nasasama na nga sa pagblink eh. Aabutin sana
niya ‘yung juice sa may right, when he suddenly fell out of balance. At sa
dinami-dami ng pwedeng ma-press na key, ‘yung enter pa. Takbo! Hindi siya
makahinga, hindi siya mapakali, hindi na kasi mabawi yung na enter na message,
nanlalamig, kinakabahan, halo-halo. Nagta-type ito ng reply. OMG,OMG… Napalundag
pa siya ng mag-pop na ‘yung new message na signal, at binasa niya ‘yung
message.
“Ha? Bakit naman? Ikaw kuya ha!”
He was so disappointed kasi wala siyang nakitang number.
Maglo-logout n asana siya ng may dumating pa na bagong message. 09*********. At
that time, hindi pa masyadong ready ang nerve-endings niya na i-receive ‘yung
message. At nung sa wakas eh pumasok na
nga sa nerve endings niya,
“Yahoo!!!!! Nakuha ko na ang number niya!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
A/N: Nacoconscious ako sa mga pinagsususulat ko! Comments?
Suggestions? Please????
N/P: Perhaps Love
TFTIESYF
Verse 2
Impressions
Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumali sa usapan ng mga
kaibigan niya sa mga oras na iyon. Pinag-uusapan kasi nila ‘yung mga bagong
classmates nila, at karamihan sa mga naririnig niyang comments eh medyo hindi
maganda. Hindi na lang siguro siya sasali, wala naman talaga sa ugali niya ang
magsalita ng kung ano laban sa kapwa. Call it prudence, righteousness,
insensitivity even, pero ‘yun talaga siya. Good thing was, kahit alam niyang
hindi siya palaban, or warfreak, at medyo mild nga kung maituturing ‘yung ugali
niya, hindi siya nabu-bully. Sabi nga ng isang friend niya, ang aura raw niya
ay ‘yung parang sa isang bata, vulnerable with a hint of wisdom, the kind whom
you’d always want to protect. That sums it all, she is the kind of girl whom
people would easily trust, because her personal strength is somehow hidden
beneath her vulnerability, and that makes her pure. Napangiti siya sa ala-alang
iyon. ‘Yun na ata kasi ang best na narinig niyang description para sa sarili.
“Hindi naman siguro…” singit niya sa usapan.
“Hay naku Barbie… Kung narinig mo lang sana ‘yung usapan
nila kanina. Mukhang type ko nung… Ano na ulit pangalan nun?” sabi pa rin ni
MJ.
“Sino? ‘Yung… wala akong maisip na description eh. Haha,”
sagot naman ni Felma.
“’Yung naka-upo sa likod, ‘yung matangkad, pero hindi ‘yung
pinakamatangkad…”
“Ah! ‘Yung pambabae ang pangalan?”
“Oo! ‘Yung Jemba? Jom? Jam? Basta J!”
“Gembong ata,” hindi nakatiis na sagot niya. Naalala niya
‘yung lalaking nasa likod, na akal siguro eh hindi niya napapansin, pero alam
niyang nakatingin ito sa kanila, 70% sure na sa kanya.
“Oo!!! Tama! May gusto sa’yo ‘yung Gembong na ‘yun!”
Ngumiti lang siya, kasi, paano ba dapat mag-react during
this times. And disappointed siya, kasi sa iba pa niya nalaman. One month na
silang magka-classmates, at wala masyadong interaction.
Inisip tuloy niya, what if she didn’t learbn it from
someone? What if?
“Hindi kaya, kasi sila na ata nung si Lou, ang sweet kaya
nila last week,” sabad ni Chinnie.
“Ay, oo! Parang gf na niya ‘yun eh. Saka ‘wag niyo na ngang
lokohin si Karen, bata pa ‘yan. ‘Di ba nga, basted ‘yung nanligaw last sem?”
Tahimik pa rin siya, habang pilit na nirerelive ‘yung mga
kaganapan noong nakaraang semester nila. Kung pwede lang sana ay ibinaon na
niya iyon sa limot, kasi nalilito pa rin siya hanggang ngayon. Naalala na naman
niya iyong mga priorities niya, at nasa least lang ang relationship. Hindi man
niya sinasadya, napasimangot siya at napansin iyon ng ibang kasama niya. Ayaw
man niyang aminin, pero sumama ang loob niya sa kaalamang hindi siya ang gusto
nung lalaking iyon, which puzzled her, because she doesn’t feel anything about
him, or so she thought.
“Mabait siya… Siguro,” ‘yun na lang ang nasabi niya.
TFTIESYF
Verse 1
“Firsts”
It was the first day of school. It was his first time seeing
her. It was the first time his heart fell for her. The first and only time that
a girl single-handedly stole his heart unknowingly. The first time his heart
sang.
“Hindi pa ba tayo papasok?” tanong sa kanya ni Joel, na
malamang kaibigan niya, kausap niya eh.
“Teka lang, madaming unknowns ‘dun, ‘antayin na muna natin
sina Allen, para naman may kasama,” sagot niya, pero parang gusto niya na ring
pumasok at tantiyahin ang mga bagong classmates. New friends, pwede rin
sigurong new prospects. Pero ‘wag na muna siguro ‘yang love-love na ‘yan, may
major subject na sila ngayong sem na ‘to kasi. Although kaya niya naman
sigurong pagsabayin, hindi niya inisip ‘yung possibility na makikita niya this
time si Ms. Right, cliché’d as it may seem. He doesn’t really have high hopes
on romance this time.
Nagkukwentuhan pa sila sa labas ng room nang may dumaan na
pink na aparisyon. Oo! Madali lang kayang makita ang pink. Na-curius siya, ang
cute kasi ng mga babaeng naka-pink.
“Tara na pala, pasok na tayo,” sabi niya na agad kay Joel.
Gusto niyang makita ‘yung mukha at malaman ang pangalan nito.
***
Ganito sa college nila, uso pa rin ang pagpapakilala, lalo
pa’t first year pa lang sila.
“Hi, I’m Gembong Bulatao, BSac1 student, 17 years old from
Baguio city,” pagpapakilala niya sa sarili niya. So far, mukha naman silang
mababait, but as a matter of fact, he doesn’t usually care, bale ‘yung
attention niya eh kay Ms. Pink lang.
‘Yun, malapit na ‘yung turn nito, *heartbeats*, … Bakit ganun? Bakit may
matching music ‘yung paraan ng pag ngiti nito? Bakit kailangang pag
nabibistahan niya ‘yung mukha nito eh may flowers agad na magfeframe sa maganda
nitong mukha? OO na, nagagandahan siya sa mystery girl na ito, useless namang
i-deny pa niya eh sarili niya rin lang ‘tong ka-komperensiya niya.
“This is crazy!” anang isip niya.
Tumayo na ito, at all ears agad an gating bida, attentive sa
sasabihin ng kanyang itinatangi.
“Gembong! Gembong!” sigaw
ni Joel, sa tenga niya.
“ANO ‘YUN!!!!” asar niyang sagot. Wala na!!!! Hindi niya na
narinig ‘yung pangalan nito!!
“Ano ba ‘yan! Kahit
kelan talaga, hindi nawawala ang mga panira!!! Hahaha, Peace Joel.”
‘Di bale, may next subject pa. Ang naintindihan niya lang eh
galling ito ng Pangasinan. Okay na rin ‘yun. Sabi nga, may next subject pa
naman.
After 2 hours…
“Buti na lang hindi tayo sinipot ng mga instructors natin!”
tuwang-tuwa ‘tong mga katabi niya. Sarap batukan! May next subject pa pala huh!
Asar lang? Sayang talaga at hindi niya narinig ‘yung pangalan nito.
“Masama mood mo? Bakit?” tanong pa sa kanya nitong si Allen.
Shaddap na lang!
“Uy, ang ganda nung nasa harap,” biglang sabi ni Joel. Agad
na nakuha nun ang atensyon niya, kasi isa lang ang maganda sa harap, si Ms.
Pink lang. (Na-realize niya na lang later na bias siya dun).
“No way! Don’t tell me may gusto rin si Joel sa kanya!”
Parang may mali… Bakit masama agad ang tingin niya, hindi
pa naman niya ito kilala.
“Why am I so possessive
all of a sudden?” tanong niya sa brain cells niya. Hmm.
Nagrerebelde ang kalooban niya dun sa idea na hindi lang siya
ang smitten dito. Confusing, at the same time, scary. Dahil lang sa mga words ng
kaibigan niya, nagkakaganito na siya. Parang…
“AYOKO YATA.”sulsol pa
rin ng kanyang, err… brain cells.
Ayaw niyang may
magkagusto dito na iba, lalo pa ngayong pakiramdam niya, ang babaeng ito na ang
hinahanap pala niya. Siya na talaga.
“Siya na talaga.”
Kahit ‘di niya pa alam ang pangalan nito. Ano ‘yung sa
kanta? Basta, may lyrics na ganun. Paano ‘to? Paano kung may gusto rito si
Joel?
“Woi! Spaced-out ka na! Sabi ko, ang ganda nung naka-blue sa
harap, hindi ka man lang magre-react?” tatawa-tawang sabi nitong katabi niya.
He released the air that he was unknowingly holding.
*Relief* At tumawa siya
ng malakas, ‘yung parang baliw lang. Sana talaga, may instructor na sa next
subject.
At ‘yun na nga, may dumating din na instructor. Tuwang-tuwa
siya kasi last chance na ito for this day. Tumayo na ang babaeng kanina pa niya
tinititigan,
“Hi! I’m ------“
“Gembong!!! Pahiram ng ballpen!” sigaw sa kanya ni Lou,
classmate niya rin nung last sem.
Before he realized it, hindi niya na naman narinig ang
pangalan ni crush.
“Anak ng inupakang
butiki naman oh! Ano ‘to? Divine Intervention? Nasa Wow Mali ba ako?” tanong na
lamang sa sarili.
Para kasing pinagtitripan siya. ‘Yung sa kanta ulit, kaso
nga lang negative. (It’s as if the powers of the universe, conspired….Yeah.)
Parang koreanovela lang?
“Nakakaasar na huh!”
“AYOKO! Wala akong ballpen, at ‘wag ka na munang
makipag-usap sa akin!” hindi man sinasadya, dahil sa sobrang badtrip, eh
pabalang niyang sinagot ‘yung dakilang asungot, na kung makasulpot sa moment, WAGAS. Last subject na kasi nila ‘to! Buong oras, wala na siya sa
mood.
“I need her name!”
Para naman may
pangalan na ‘yung future niya! Naks, ‘pag in-love pala--- d*mn.
“I’m in love!” bulong
(kaya?) ng konsensiya niya. (Realization Hits) All the more na kailangan niya
nang malaman ang name ni Ultimate Crush.
“Karen,” sabi ng instructor nila. Usual din na ganun,
tatawagin nito sila isa-isa.
“Sino pong Karen?” pa-chorus na tanong ng mga classmates
namin. Call it men’s intuition, pero iba ang kutob niya sa name na ‘yun.
“Karen Grace
Palisoc!” ulit ng instructor namin. Tumutok agad ang mata niya kay Ms. Right.
Then she raised her hand, sabay tawa. At that very moment, may nadagdag na
naman sa realizations niya for this day. He fell in love with her name.
Karen Grace Palisoc,
nice meeting you.
A/N: The edited version, although medyo nakakalito,
nakakalito talaga, naku! Pagtiyagaan na po!!!
N/P: Teardrops in the Rain by C.N. Blue
PPS: I believe in love at first sights. Those are rare
events that shouldn’t be disregarded, because out of 7 billion people in this
world, a pair fell in love without being forced to do so, or being obliged, or
being developed. It is love in its purest form. Sparks, tingles, butterflies in
the stomach, blushes, fast heartbeats, and extreme adrenaline… those things.
Sunday, January 15, 2012
Si Nardong Putik!
Ni Kathleen!!!
Wala eh, tuwang-tuwa talaga ako dun sa Darna na 'yun...
Dahil nga sa hindi gumana 'yung comments sa akin, ayaw magpakita 'nung word verification, Kathleen! Heto comment ko!
Before reading:"Ay! hahaha.. Hindi ko pa nababasa, 'yung part ni Nardong Putik pa lang
ang alam ko kasi dumiretso na aagad ako dito sa comments, hahaha...
I-google mo kasi kung sino si Nardong Putik, hahaha... LOL-ing ako dito,
grabe,..."
After: Hala! Patrick-inspired?! I like!!! Hahahaha....
Wednesday, January 11, 2012
Another Story [No Title Yet]
“Sino ba kasing may sabing bilhin mo na ‘yung complete
series ng minsanan? Vinny, may next week pa! May next month, next year, saka
may reprints din! Parang movie lang ‘yan, mas magandang hintayin mo na lang
‘yung DVD!” sermon sa akin ng aking ever-mother-hen na bestfriend na si
Dominique, Niq for short.
“’Yung pirated?” pilosopo ko pang sagot. Wala eh, trip kong
mang-asar. Hahaha.
“Very funny, ‘ayan tuloy, pagkakasyahin mo pa ‘yang 500 mo
within a week. Ang adik mo kasi.”
‘Ayun, natapos din. Actually, may point din talaga si Niq
eh, hindi lang talaga tinanggap ng brain cells ko ‘yung idea na i-postpone ang
pagbili ko ng books ko. Ang hirap kaya ng nabibitin? Nakaka-frustrate. Anyways,
ako pala si Lavinniea Cruzado, ‘wag n’yo na pag-isipan kung paano ‘yun
ipopronounce, ako man eh nalilito rin. Vinny sa mga friends ko, Cruzado sa mga
ewan ko na kakilala. Sixteen years old, 2rd Year Senior High School.
Nasa cafeteria kami ngayon, at hinihintay si Lex, isa ko pang bestfriend na
nakikita ko na nga nagyong naglalakad, este, tumatakbo pala.
“Oh? Anong meron at para kang hinabol ng sampung dwende?”
tanong ko agad sa hingal na hingal na si Alexia Salmeron, member ng Women’s
Soccer Team, at …
“PhP 200.00 pesos lang Vinny, picture ni Eric—“
“My labs,” putol ko sa sinasabi niya.
“Whatever, picture ni Eric your loves, taken from Macau ata,
whole body shot, and he’s wearing his favorite shirt, according sa ‘yo, and you
favorite smile of his. Ano? Kukunin mo?” sales-talk sa akin ng BESTFRIEND kong
ito. “200? Bakit ang mahal naman ata? Ikaltas mo na ‘yung 20% student discount,
10% Mas-matanda-ka-sa-akin discount, saka ‘yung 50% Bestfriends-Kasi-Tayo
discount.”
“Na-less na ‘yun, asus. Ako pa? Discounted na po ‘yung 200
pesos na price,” nakangiti pang sabi nito. “Sold, akin na!” hindi rin naman ako
masyadong atat ano? Aanhin ko ang pera eh piktyur pa lang ni Eric my labs,
busog na busog na ako… “Naku, ang adik!!!” natatawa na lang na comment ni Niq.
Whatever.
“Oy! Hindi lang ako
ang adik dito ano! Sino ba ‘yung lagging inspired na gumawa ng songs dito? ‘Di
ba ikaw Niq??” *Evil laugh* “At ‘yung inspiration mo lang naman eh ang ating butihing
Student Council President, na super suplado, ni tingnan siya eh hindi ko
maatim!” pambubuska ko pa sa babaeng ‘to. Maganda si Niq, maraming nanliligaw,
pero ewan ko ba kung bakit ‘yung lalaking never ata siyang titignan ng mabuti
ang nagustuhan niya. Kapag nakakasalubong naman kasi naming si Rafe eh parang laging
asar sa bestfriend ko.
“At least ako, idinadaan ko lang sa kanta. Sino kaya diyan
ang umakyat sa Baguio para lang maka-join sa Soccer training, para next year eh
masali na sa Women’s Soccer team, para masilayan araw- araw ang sinisinta niya?”
natatawa namang sabi ni Niq. Parang nahalata ‘yung emphasis ko na hindi lang
ako ang adik. Hahaha. Nag-blush naman si Lex, in-denial pa kasi. Que gusto raw
talaga niya sa Soccer team, naku! Si Anthony rin lang naman ang nag-invite sa
kanya dun eh. Hahaha.. “yun na pala ang rason kung bakit bfffffffff kaming
tatlo. Pare-pareho kaming baliw. Nyaha!
Oh, nasabi ko na ba? I’m Lavinnea, and this is the start of
my quest to become the best DOTA player in our school. Hahaha. Hinde, joke
lang. Pero reality na rin, I can play you know. Pero mali rin eh. Ano pa ba
dapat na ikwento ko? Ang aking non-existent na lovelife? Alam ko naman kasi na
picture lang ni Eric my labs ang mahahalikan at mayayakap ko eh. I mean, I’m a
plain schoolgirl, with the plain French braid and glasses, and braces, I hate
those things. But then, just about last night, these words were like constantly
being whispered in my head, “A New Adventure”. Ano nga kaya ‘yun? Ah, basta.
Boring ako, hindi pansinin, pero hindi rin naman invisible. MAdali akong ma-
adik, madali nga lang magsawa. Walang hilig sa sports, sa kahit anong activity.
Kasi kung may Sleep Club nga lang sana, ako na ang president dun. Vinny signing
in, and this is my DOTA ADVENTURES story na nga lang!!!!
A/N: Hahaha. Yeah, another DOTA-inspired story. Oo! Seryoso ako sa DOTA adventures na 'yun. Kung paano, ewan ko pa nga lang. At least na-introduce na 'yung mga bida except sa bidang lalaki. Yup! Hindi si Eric ang bida, actually, wala nga yata siyang magiging line eh, pero I'll just cross the bridge when I get there. Ja!
Subscribe to:
Posts (Atom)