Friday, January 27, 2012

TFTIESYF


A/N : Sheesh! I need to update since this is a special day!!!! (That’s what has been ringing on my mind since I learned what day today is.) This one might be rushed, but enjoy.


Verse 3
            “Perhaps Love”

Days and months have passed. Wala masyadong development. Masyado, kasi, meron naman kahit papano. Like for example, friend ko na sila sa Facebook. Wooh! Ang saya niya ‘nung time na ‘yun. Pangit pala impression nung mga friends nito sa kanya, narinig niya one time.

“May kayabangan siya ng konti,” narinig niyang comment ng isang kaibigan nito sa kanya.

“Patay na, bad shot na ata ako sa kanya.”

 Natahamik na lang siya nung tumawa lang ito, ganun ito, masyadong mabait at bungisngis, haay…

“Nasa choice of words lang siguro ‘yun, baka naman hindi rin niya sinasadya,” sabi naman ni ‘ultimate’. At kung hindi pa ba naman siya tinatamaan ng kabaliwan, ang tawag na niya kay Karen eh Ultimate. As in ultimate crush, love. Ultimate everything, ‘yung parang imprint sa werewolves ng twilight, parang akai ito sa Japan, Juliet ni Romeo, Daphne ni Apollo, soulmate sa English, at Jayrol ni Piolo. ‘Yung mga ganun ba? ‘Yung tipong she completes him in every way possible. He can’t say that he can’t live without her, because without her, he won’t be living in the first place. Basta, ‘yun. Hihihi.

Oh, *Realization Time!* Pinagtatangol siya ni Ultimate! Imagine ang saya niya nung time na ‘yun? Kahit pala hindi sila masyadong close, mabait pala talaga ito? She is kind and sweet, kasi he never heard her badmouth or even just criticize something or someone. Tumatawa lang ito. The more na nakikilala niya, the more na nagugustuhan niya, parang Law of Attraction, (A/N: na as usual, imbe-imbento ko lang, c’mon, I’m the writer, may karapatan akong magpaka-scientist..hahaha) parang sa Econ, Law of Increasing Chorvaness.

“Mabait siya,” sabi pa ni ultimate, na lalong nagpakilig sa kanya.

“Woi, ano ‘yan???” biglang siko sa kanya ni Joel, na ngayon niya lang napansin na katabi niya na pala.

“Wala, nagbabasa lang ako,” sabay taas dun sa book na malamang ulit, hawak niya. Wala pa kasi silang  klase nung time na ‘yun, kaya usapan muna ang nangyayari.

“Eh, ba’t ka dito nakaupo?”

“Gusto ko dito eh,” sagot niya naman, “mas malapit sa kanya.” Pero syempre, isip na lang niya ang may sabi nung huli.

“Eh, bakit baliktad ‘yang binabasa mo?”

“Syempre para makapag-recite ako mamaya!”
“Adik ka. Adik.” ‘Yun na lang ang nasabi nito at umalis na, parating na rin ang instructor nila.

“Adik na talaga ako.”

Speaking of developmentgusto niyang makuha ang number nito, pero ang tanong, paano? Na-check na niya ang FB Account nito, walang nakalagay na number. Paano nga kaya? Lalapit ba siya, tapos

 “Uhm, hi, May I get your number?”

“Paano ‘pag ‘di niya ibinigay?” tanong ni Gembong Number 1.

“Paano naman kung ibinigay niya?” pangontra ni Gembong Number 2.

“Anong gagawin mo after nun?” tanong ng mga ito. Ano nga kaya??? Magsusulat na lang siya sa papel,

“Hi, May I get your number?”

“Lagyan mo ng pangalan para hindi magkamali ‘yung makakatanggap,” suggestion ni Gembong Number 2.

“Eh, paano kung Class number ‘yung isulat niya?” tanong ni Gembong Number 1. Oo nga ano? Hmm. Ano pa ba?

 “Wala nang chance,” si Gembong 1.

“Meron pa kaya!” si Gembong 2. Para na tuloy siyang baliw talaga. Makipag-usap ba naman sa kanyang mga alter-ego.
***
He got home na ‘yun pa rin ang iniisip. Paano niya makukuha ‘yung number ni Ultimate? Aantayin na lang niya sa Facebookk, at pagka-log in nga, presto! Online ito. Click her name on the chatbox, type… type… type… type… type… Hindi niya ma-press ang enter. Hinga malalim… type hi… delete hi… type hello… delete hello…type oy… delete oy… May I have your number? Matagal din siyang nakikiramdam dun sa cursor, nasasama na nga sa pagblink eh. Aabutin sana niya ‘yung juice sa may right, when he suddenly fell out of balance. At sa dinami-dami ng pwedeng ma-press na key, ‘yung enter pa. Takbo! Hindi siya makahinga, hindi siya mapakali, hindi na kasi mabawi yung na enter na message, nanlalamig, kinakabahan, halo-halo. Nagta-type ito ng reply. OMG,OMG… Napalundag pa siya ng mag-pop na ‘yung new message na signal, at binasa niya ‘yung message.

“Ha? Bakit naman? Ikaw kuya ha!”

He was so disappointed kasi wala siyang nakitang number. Maglo-logout n asana siya ng may dumating pa na bagong message. 09*********. At that time, hindi pa masyadong ready ang nerve-endings niya na i-receive ‘yung message.  At nung sa wakas eh pumasok na nga sa nerve endings niya,

“Yahoo!!!!! Nakuha ko na ang number niya!!!!!!!!!!!!!!!!!!”


A/N: Nacoconscious ako sa mga pinagsususulat ko! Comments? Suggestions? Please????

N/P: Perhaps Love


No comments:

Post a Comment