A/N: Supposed to be, three parts ito. I've decided to make it one, as the penultimate chappie.
Verse 9
Nag-aabang si Gembong sa corridor.
Wala pa rin ang hinhintay niya.Ano kaya ang nangyari?
Napapansin na niya na simula nung confession niya noong Valentines,
parang lagi nang hindi niya nadadatnan or nalalapitan si Karen. Bakit kaya?
Papasok na sana siya ng classroom ng makita niyang palapit na ito. Ngumiti siya, pero nadismaya rin kasi...
"Anong tinitingnan mo diyan sa... pader?" Nilapitan pa niya at sinipat ng maigi ang tinititigan nito.
"Huh?" Nagbublush pang umiwas uli ito ng tingin.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Huh?"
"Huh na lang ba ang kaya mong sabihin?"
"Huh?"
He sighed. Hopeless na ito. Although, na-dedepress din siya sa ginagawa nito sa kanya,
natutuwa rin siya sa kaalamang nararattle din ito. "May effect..." anang isip niya.
"Time na pala," tumingin pa ito sa braso nitong, walang relo. "Ahaha.."
"Time na talaga... para sabihin mo kung ano ang ginagawa natin ngayon." At humarang siya sa daan nito.
She looked so cute, being like that. Para na silang mga batang naglalaro ng patintero, at siya ang nananalo. Hindi niya ito pakakawalan hangga't hindi nito sinasabi kung anong meron.
"Iniiwasan mo ako eh. Pero hindi dahil naiilang ka." Bumaling siya sa kaliwa, dahilan para mapaatras din ito sa may pader. Cornered.
"Gembong..."
"Whoa!!!!! First time! Tinawag mo ako sa pangalan ko!!!" Tumawa siya ng bongga. Saka na siya made-depress, heto sa harap niya ngayon ang babaeng itinitibok ng puso niya, at kung may mas isasaya pa siya sa minutong iyon, iyon ay ang sagutin na siya nito.
"Sarcastic ba 'yun?"
"Hindi!!! Masaya ako! Pero mabalik tayo." At hinarang pa talaga niya ang sarili sa daraanan nito. Sana nga lang, wag pa mag-time.
"Hindi! Hindi kita iniiwasan, nasa corridor nga lang kasi talaga tayo!"
Gustuhin man niyang i-skip na lang ang confrontation na iyon, kailangan niya itong kausapin.
"Karen naman... "
"Excuse me..." Bago pa siya naka-react ay mabilis na itong nakalusot at dire-diretsong umalis.At 'yun nga, nakatitig na lang siya sa papalayong likod nito.
"Takot ka, sa kung anong pwedeng nararamdaman mo na sa akin... " wala sa sariling bulong niya. "D*mn, why do you have to be so far?"
****
It would've been better if she hadn't heard that last line. Because now, it's creating havoc in her system.
"Hindi ako takot." Pero sino ang pinapaniwala niya? Ang sarili?
"Good morning!"
"Good ----"
Nag-ring ang phone niya.
"Libre ka ba mamaya?"
What should she answer? Iiwas na naman ba siya? "Takot ka sa maari mong maramdaman."
Hindi pa rin mawala sa isip niya iyon. Tama nga kaya ito?
If only she could be a ninja.
Or she could make herself invisible.
Or she can read minds, kasi ngayon, hindi na niya maisip kung ano ba ang dapat na gawin niya.
Ngayon lang na siya naituring na ganito, someone special by someone she had just met.
"Hindi ko pa alam."
Wala siyang standards sa taong mamahalin niya, kung magmamahal naman kasi, hindi parang audition lang na mamimili ka. Although, somehow, audition nga,
pero hindi siya ang judge, ang puso niya.
At ang sinasabi ng puso niya ngayon.
"Ewan."
"Ano?"
"Sige, bahala na."
Napapailing na lang siya kasi halatang masayang-masaya ang loko.Napangiti rin siya, somehow, seeing him so happy makes her happy as well. Saka na uli siya mag-iisip, for now, i eenjoy niya muna iyong kung ano sina Gembong at Karen Grace ngayon. Kung ano man iyon.
No comments:
Post a Comment