Verse 1
“Firsts”
It was the first day of
school. It was his first time seeing her. It was the first time his
heart fell for her. The first and only time that a girl single-handedly
stole his heart unknowingly. The first time his heart sang.
“Hindi pa ba tayo papasok?” tanong sa kanya ni Joel, na malamang kaibigan niya, kausap niya eh.
“Teka
lang, madaming unknowns ‘dun, ‘antayin na muna natin sina Allen, para
naman may kasama,” sagot niya, pero parang gusto niya na ring pumasok at
tantiyahin ang mga bagong classmates. New friends, pwede rin sigurong
new prospects. Pero ‘wag na muna siguro ‘yang love-love na ‘yan, may
major subject na sila ngayong sem na ‘to kasi. Although kaya niya naman
sigurong pagsabayin, hindi niya inisip ‘yung possibility na makikita
niya this time si Ms. Right, cliché’d as it may seem. He doesn’t really
have high hopes on romance this time.
Nagkukwentuhan pa
sila sa labas ng room nang may dumaan na pink na aparisyon. Oo! Madali
lang kayang makita ang pink. Na-curious siya, ang k-cute kasi ng mga
babaeng naka-pink.
“Tara na pala, pasok na tayo,” sabi niya na agad kay Joel. Gusto niyang makita ‘yung mukha at malaman ang pangalan nito.
***
Ganito sa college nila, uso pa rin ang pagpapakilala, lalo pa’t first year pa lang sila.
“Hi,
I’m Gembong Bulatao, BSac1 student, 17 years old from Baguio city,”
pagpapakilala niya sa sarili niya. So far, mukha naman silang mababait,
but as a matter of fact, he doesn’t usually care, bale ‘yung attention
niya eh kay Ms. Pink lang. ‘Yun, malapit na ‘yung turn nito,
*heartbeats*, … Bakit ganun? Bakit may matching music ‘yung paraan ng
pag ngiti nito? Bakit kailangang pag nabibistahan niya ‘yung mukha nito
eh may flowers agad na magfeframe sa maganda nitong mukha? OO na,
nagagandahan siya sa mystery girl na ito, useless namang i-deny pa niya
eh sarili niya rin lang ‘tong ka-komperensiya niya.
“This is crazy!” anang isip niya.
Tumayo na ito, at all ears agad an gating bida, attentive sa sasabihin ng kanyang itinatangi.
“Geoff! Geoff!” sigaw ni Joel, sa tenga niya.
“ANO ‘YUN!!!!” asar niyang sagot. Wala na!!!! Hindi niya na narinig ‘yung pangalan nito!!
“Ano ba ‘yan! Kahit kelan talaga, hindi nawawala ang mga panira!!! Hahaha, Peace Joel.”
‘Di
bale, may next subject pa. Ang naintindihan niya lang eh galling ito ng
Pangasinan. Okay na rin ‘yun. Sabi nga, may next subject pa naman.
After 2 hours…
“Buti
na lang hindi tayo sinipot ng mga instructors natin!” tuwang-tuwa ‘tong
mga katabi niya. Sarap batukan! May next subject pa pala huh! Asar
lang? Sayang talaga at hindi niya narinig ‘yung pangalan nito.
“Masama mood mo? Bakit?” tanong pa sa kanya nitong si Allen. Shaddap na lang!
“Uy,
ang ganda nung nasa harap,” biglang sabi ni Joel. Agad na nakuha nun
ang atensyon niya, kasi isa lang ang maganda sa harap, si Ms. Pink lang.
(Na-realize niya na lang later na bias siya dun).
“No way! Don’t tell me may gusto rin si Joel sa kanya!”
Parang may mali… Bakit masama agad ang tingin niya, eh hindi pa naman niya ito kilala.
“Why am I so possessive all of a sudden?” tanong niya sa, brain cells niya. Hmm.
Nagrerebelde
ang kalooban niya dun sa idea na hindi lang siya ang smitten dito.
Confusing, at the same time, scary. Dahil lang sa mga words ng kaibigan
niya, nagkakaganito na siya. Parang…
“AYOKO YATA.”sulsol pa rin ng kanyang, err… brain cells.
Ayaw
niyang may magkagusto dito na iba, lalo pa ngayong pakiramdam niya, ang
babaeng ito na ang hinahanap pala niya. Siya na talaga.
“Siya na talaga.”
Kahit
‘di niya pa alam ang pangalan nito. Ano ‘yung sa kanta? Basta, may
lyrics na ganun. Paano ‘to? Paano kung may gusto rito si Joel?
“Woi!
Spaced-out ka na! Sabi ko, ang ganda nung naka-blue sa harap, hindi ka
man lang magre-react?” tatawa-tawang sabi nitong katabi niya. He
released the air that he was unknowingly holding.
*Relief* At tumawa siya ng malakas, ‘yung parang baliw lang. Sana talaga, may instructor na sa next subject.
At
‘yun na nga, may dumating din na instructor. Tuwang-tuwa siya kasi last
chance na ito for this day. Tumayo na ang babaeng kanina pa niya
tinititigan,
“Hi! I’m ------“
“Gembong!!! Pahiram ng ballpen!” sigaw sa kanya ni Lou, classmate niya rin nung last sem.
Before he realized it, hindi niya na naman narinig ang pangalan ni crush.
“Anak ng inupakang butiki naman oh! Ano ‘to? Divine Intervention? Nasa Wow Mali ba ako?” tanong na lamang sa sarili.
Para
kasing pinagtitripan siya. ‘Yung sa kanta ulit, kaso nga lang negative.
(It’s as if the powers of the universe, conspired….Yeah.) Parang
koreanovela lang?
“Nakakaasar na huh!”
“AYOKO!
Wala akong ballpen, at ‘wag ka na munang makipag-usap sa akin!” hindi
man sinasadya, dahil sa sobrang badtrip, eh pabalang niyang sinagot
‘yung dakilang asungot, na kung makasulpot sa moment eh, WAGAS. Last
subject na kasi nila ‘to! Buong oras eh wala na siya sa mood.
“I need her name!”
Para naman may pangalan na ‘yung future niya! Naks, ‘pag in-love pala--- d*mn.
“I’m in love!” bulong (kaya?) ng konsensiya niya. All the more na kailangan niya nang malaman ang name ni Ultimate Crush.
“Karen,” sabi ng instructor nila. Usual din na ganun, tatawagin nito sila isa-isa.
“Sino
pong Karen?” pa-chorus na tanong ng mga classmates namin. Call it men’s
intuition, pero iba ang kutob niya sa name na ‘yun.
“Karen
Grace Palisoc!” ulit ng instructor namin. Tumutok agad ang mata niya
kay Ms. Right. Then she raised her hand, sabay tawa. At that very
moment, may nadagdag na naman sa realizations niya for this day. He fell
in love with her name.
Karen Grace Palisoc, nice meeting you.
A/N: The edited version, although medyo nakakalito, nakakalito talaga, naku! Pagtiyagaan na po!!!
N/P: Teardrops in the Rain by C.N. Blue
PPS:
I believe in love at first sights. Those are rare events that shouldn’t
be disregarded, because out of 7 billion people in this world, a pair
fell in love without being forced to do so, or being obliged, or being
developed. It is love in its purest form. Sparks, tingles, butterflies
in the stomach, blushes, fast heartbeats, and extreme adrenaline… those
things.
Verse 2
Impressions
Hindi
niya alam kung dapat ba siyang sumali sa usapan ng mga kaibigan niya sa
mga oras na iyon. Pinag-uusapan kasi nila ‘yung mga bagong classmates
nila, at karamihan sa mga naririnig niyang comments eh medyo hindi
maganda. Hindi na lang siguro siya sasali, wala naman talaga sa ugali
niya ang magsalita ng kung ano laban sa kapwa. Call it prudence,
righteousness, insensitivity even, pero ‘yun talaga siya. Good thing
was, kahit alam niyang hindi siya palaban, or warfreak, at medyo mild
nga kung maituturing ‘yung ugali niya, hindi siya nabu-bully. Sabi nga
ng isang friend niya, ang aura raw niya ay ‘yung parang sa isang bata,
vulnerable with a hint of wisdom, the kind whom you’d always want to
protect. That sums it all, she is the kind of girl whom people would
easily trust, because her personal strength is somehow hidden beneath
her vulnerability, and that makes her pure. Napangiti siya sa ala-alang
iyon. ‘Yun na ata kasi ang best na narinig niyang description para sa
sarili.
“Hindi naman siguro…” singit niya sa usapan.
“Hay
naku Barbie… Kung narinig mo lang sana ‘yung usapan nila kanina.
Mukhang type ko nung… Ano na ulit pangalan nun?” sabi pa rin ni MJ.
“Sino? ‘Yung… wala akong maisip na description eh. Haha,” sagot naman ni Felma.
“’Yung naka-upo sa likod, ‘yung matangkad, pero hindi ‘yung pinakamatangkad…”
“Ah! ‘Yung pambabae ang pangalan?”
“Oo! ‘Yung Jemba? Jom? Jam? Basta J!”
“Gembong
ata,” hindi nakatiis na sagot niya. Naalala niya ‘yung lalaking nasa
likod, na akal siguro eh hindi niya napapansin, pero alam niyang
nakatingin ito sa kanila, 70% sure na sa kanya.
“Oo!!! Tama! May gusto sa’yo ‘yung Gembong na ‘yun!”
Ngumiti
lang siya, kasi, paano ba dapat mag-react during this times. And
disappointed siya, kasi sa iba pa niya nalaman. One month na silang
magka-classmates, at wala masyadong interaction.
Inisip tuloy niya, what if she didn’t learbn it from someone? What if?
“Hindi kaya, kasi sila na ata nung si Lou, ang sweet kaya nila last week,” sabad ni Chinnie.
“Ay,
oo! Parang gf na niya ‘yun eh. Saka ‘wag niyo na ngang lokohin si
Karen, bata pa ‘yan. ‘Di ba nga, basted ‘yung nanligaw last sem?”
Tahimik
pa rin siya, habang pilit na nirerelive ‘yung mga kaganapan noong
nakaraang semester nila. Kung pwede lang sana ay ibinaon na niya iyon sa
limot, kasi nalilito pa rin siya hanggang ngayon. Naalala na naman niya
iyong mga priorities niya, at nasa least lang ang relationship. Hindi
man niya sinasadya, napasimangot siya at napansin iyon ng ibang kasama
niya. Ayaw man niyang aminin, pero sumama ang loob niya sa kaalamang
hindi siya ang gusto nung lalaking iyon, which puzzled her, because she
doesn’t feel anything about him, or so she thought.
“Mabait siya… Siguro,” ‘yun na lang ang nasabi niya.
A/N
: Sheesh! I need to update since this is a special day!!!! (That’s what
has been ringing on my mind since I learned what day today is.) This
one might be rushed, but enjoy.
Verse 3
“Perhaps Love”
Days
and months have passed. Wala masyadong development. Masyado, kasi,
meron naman kahit papano. Like for example, friend na niya ito sa
Facebook. Wooh! Ang saya niya ‘nung time na ‘yun. Pangit pala impression
nung mga friends nito sa kanya, narinig niya one time.
“May kayabangan siya ng konti,” narinig niyang comment ng isang kaibigan nito tungkol sa kanya.
“Patay na, bad shot na ata ako sa kanya.”
Natahamik na lang siya nung tumawa lang ito, masyadong mabait at bungisngis, haay…
“Nasa
choice of words lang siguro ‘yun, baka naman hindi rin niya sinasadya,”
sabi naman ni ‘ultimate’. At kung hindi pa ba naman siya tinatamaan ng
kabaliwan, ang tawag na niya kay Karen eh Ultimate. As in ultimate
crush, love. Ultimate everything, ‘yung parang imprint sa werewolves ng
twilight, parang akai ito sa Japan, Juliet ni Romeo, Daphne ni Apollo,
soulmate sa English, at Jayrol ni Piolo. ‘Yung mga ganun ba? ‘Yung
tipong she completes him in every way possible. He can’t say that he
can’t live without her, because without her, he won’t be living in the
first place. Basta, ‘yun. Hihihi.
Oh, *Realization Time!*
Pinagtatangol siya ni Ultimate! Imagine ang saya niya nung time na ‘yun?
Kahit pala hindi sila masyadong close, mabait pala talaga ito? She is
kind and sweet, kasi he never heard her badmouth or even just criticize
something or someone. Tumatawa lang ito. The more na nakikilala niya,
the more na nagugustuhan niya, parang Law of Attraction, (A/N: na as
usual, imbe-imbento ko lang, c’mon, I’m the writer, may karapatan akong
magpaka-scientist..hahaha) parang sa Econ, Law of Increasing Chorvaness.
“Mabait siya,” sabi pa ni ultimate, na lalong nagpakilig sa kanya.
“Woi, ano ‘yan???” biglang siko sa kanya ni Joel, na ngayon niya lang napansin na katabi niya na pala.
“Wala,
nagbabasa lang ako,” sabay taas dun sa book na malamang ulit, hawak
niya. Wala pa kasi silang klase nung time na ‘yun, kaya usapan muna ang
nangyayari.
“Eh, ba’t ka dito nakaupo?”
“Gusto ko dito eh,” sagot niya naman, “mas malapit sa kanya.” Pero syempre, isip na lang niya ang may sabi nung huli.
“Eh, bakit baliktad ‘yang binabasa mo?”
“Syempre para makapag-recite ako mamaya!”
“Adik ka. Adik.” ‘Yun na lang ang nasabi nito at umalis na, parating na rin ang instructor nila.
“Adik na talaga ako.”
Speaking
of developmentgusto niyang makuha ang number nito, pero ang tanong,
paano? Na-check na niya ang FB Account nito, walang nakalagay na number.
Paano nga kaya? Lalapit ba siya, tapos
“Uhm, hi, May I get your number?”
“Paano ‘pag ‘di niya ibinigay?” tanong ni Gembong Number 1.
“Paano naman kung ibinigay niya?” pangontra ni Gembong Number 2.
“Anong gagawin mo after nun?” tanong ng mga ito. Ano nga kaya??? Magsusulat na lang siya sa papel,
“Hi, May I get your number?”
“Lagyan mo ng pangalan para hindi magkamali ‘yung makakatanggap,” suggestion ni Gembong Number 2.
“Eh, paano kung Class number ‘yung isulat niya?” tanong ni Gembong Number 1. Oo nga ano? Hmm. Ano pa ba?
“Wala nang chance,” si Gembong 1.
“Meron pa kaya!” si Gembong 2. Para na tuloy siyang baliw talaga. Makipag-usap ba naman sa kanyang mga alter-ego.
***
He
got home na ‘yun pa rin ang iniisip. Paano niya makukuha ‘yung number
ni Ultimate? Aantayin na lang niya sa Facebookk, at pagka-log in nga,
presto! Online ito. Click her name on the chatbox, type… type… type…
type… type… Hindi niya ma-press ang enter. Hinga malalim… type hi…
delete hi… type hello… delete hello…type oy… delete oy… May I have your
number? Matagal din siyang nakikiramdam dun sa cursor, nasasama na nga
sa pagblink eh. Aabutin sana niya ‘yung juice sa may right, when he
suddenly fell out of balance. At sa dinami-dami ng pwedeng ma-press na
key, ‘yung enter pa. Takbo! Hindi siya makahinga, hindi siya mapakali,
hindi na kasi mabawi yung na enter na message, nanlalamig, kinakabahan,
halo-halo. Nagta-type ito ng reply. OMG,OMG… Napalundag pa siya ng
mag-pop na ‘yung new message na signal, at binasa niya ‘yung message.
“Ha? Bakit naman? Ikaw kuya ha!”
He
was so disappointed kasi wala siyang nakitang number. Maglo-logout na
sana siya ng may dumating pa na bagong message. 09*********. At that
time, hindi pa masyadong ready ang nerve-endings niya na i-receive ‘yung
message. At nung sa wakas eh pumasok na nga sa nerve endings niya,
“Yahoo!!!!! Nakuha ko na ang number niya!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
A/N: Nacoconscious ako sa mga pinagsususulat ko! Comments? Suggestions? Please????
N/P: Perhaps Love
Verse 4
“ Prelude”
Hindi
kasi siya ‘yung tipong madaling ma-inlove. Madalas kaysa sa hindi,
kailangan talaga ng matinding effort para mapa-sagot siya, at kung
iisipin, wala pa sa mga iyon ang katulad nito.
***
“Hi..”
“Hello po!”
“Good Morning!”
“Same, may assignment po ba?”
Hindi
niya alam kung bakit ‘yun pa nag nai-send niya dito sa texter niya na
makulit. Hindi siya ‘yung tipong kinakalimutan ang school requirements,
at hindi na niya maintindihan ang sarili kung bakit niya tinanong ito
kung may assignment ba.
“Hala ka, hindi ka nagtetake note.”
“Hindi naman po! Joke lang po ‘yun! J”
“Nagjo-joke pala ang bata!”
“:P”
Isa
pa ulit sa mga hindi niya maintindihan na nangyayari sa kanya ay ‘yung
konting tuwa na nararamdaman niya kapag nagtext na ito. She felt like a
silly schoolgirl who had just chatted with her ultimate crush, but then,
sa tingin niya eh mali ‘yun, kasi for one, hindi naman yata niya gusto
si Gembong. Pero sino ba siya para sabihin na wala siyang nararamdaman
para dito, eh wala pa naman siyang experience sa ganitong feeling, na
ayaw muna niyang bigyan ng pangalan, for it is sacred, and cannot be
used at whim. Concern? Friendship? That feeling of being safe, of
completely being a princess?
Hindi man nito sinasatinig,
hindi naman siya boba para hindi maa-gets kung ano ba talaga ang
nangyayari sa pagitan nilang dalawa, and there were moments na
ini-imagine niya, “Paano kaya kung talagang nanligaw ito?”
Saka
naman tumawag ang nanay niya, na as usual, mabait ang tono, pero
mahahalata ang pagiging istrikto. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi
ko ma-seryoso ‘yung mga nagpapahaging. Ayaw niyang i-disappoint sila.
‘Yung ang pinaka- ayaw niya sa lahat.
Men’s minds for her
is an enigma, kung paano ba sila mag-isip, mag-react, those things. At
dahil nga sa hindi niya ma-gets kung paano ‘yun, hindi rin siya
maka-isip ng tamang reaction.
Until…
Verse 5
“Valentine’s Regrets Day”
Pumunta
siya ng school na balisa. Valentines kasi, at masaya sana siya, kung
may plano! Or whatever!!! Ang problema, wala siyang maisip na tamang
gawin. Tumabi sa kanya si Joel.
“Ang galing! Madaming activities sa lobby, madaming pakulo ‘yung mga student ORG’s.”
Mas lalo pa siyang nanlumo pagkarinig dun. “Paano naman ‘yung mga ganun?”
“Ewan ko… Hahaha… Mga gifts, mostly. Wala naman kasi ‘yung mga booths noong pumasok ako. Kase-set up lang ata.”
“Wala naman tayong vacant time para silipin ang kaguluhan dun.”
Wala
na siyang magagawa, malay ba niyang may event pala na ganun kapag
Valentines. Pumasok na ang instructor nila, na signal na para sa apat na
oras na pag-upo lang, habang tulala. Gusto man niyang lapitan si Karen,
parang nahihirapan siyang humanap ng tyempo. Lagi kasi itong may mga
kasama, at kahit gaano pa kakapal ang mukha niya, anong sasabihin niya?
Wala.
***
Last subject nila noon, at tuloy ang klase
nila, sabay ng tuloy din na hikab niya. Nag-aabang pa rin siya ng kahit
anong pangyayari, para lang mapatunayan na araw nga ng mga puso ngayon.
Aminado naman siyang boring ang buhay, pero bakit parang extra boring
naman ata ngayong araw na ito. Walang naka-upo sa tabi ni Ultimate, at
sa sobrang ka-adikan, heto na naman siya, nag- iilusyon. Paano nga kaya
kung kahit sa isang subject man lang sana ay nagkatabi sila?
Ipagpapatayo niya ng rebulto ang dakilang instructor na may kagagawan
nun. Napangisi siya sa iniisip.
“HI! We’re here to
serenade Ms. Diane, this one’s for you.” At nagsimulang mag-gitara ‘yung
mga kapapasok lang sa classroom nila. Nagulat man siya, naisip pa rin
niyang magtanong sa katabi niya kung anong kaguluhan ba iyon. “Ah, iyan
ata ‘yung sa serenade booth, basta magbabayad ka, tapos magrerequest ka
ng song, tapos ise-serenade na nila kung sino man ang gusto mong
pakiligin. Ang galing nga eh. Kabubukas lang ata kasi ng booth nila
kanina.”
Grabe, ang laki niyang bobo. Hindi naman niya
kasalanan, pero napakalaking pagkakataon na iyong pinalampas niya.
Umalis kaya muna siya at tumakbo sa booth na iyon? Alam niyang kailangan
na niyang magdesisyon kasi nauubos ang… 10 minutes na nalalabi sa
kanya. Anak talaga ng kamalasan, hindi na siya aabot.
Napapabuntong-hiningang lumingon siya kay Karen, na halatang tuwang-tuwa
sa nangyayari sa kaibigan nito. Iisa lang ang nagpapagulung-gulong sa
isip niya. Sayang. Sayang.
Verse 6
“Day After Valentines”
Masaya
ang lahat. Side-effect ng katatapos lang, err. . .nagpapatuloy pala na
Valentine’s celeb. Maaga siyang pumasok kasi maaga siyang nagising.
Hindi naman masasabing disappointed siya sa nangyari, rather, kawalan ng
nangyari kahapon, pero parang hindi na siya convinced na seryoso nga
ang lalaking iyon sa pagpapahagin sa kanya. Ni isang text nga ay wala
siyang natanggap sa buong araw na iyon, bagay na ipinagpasalamat niya.
Hindi rin siya disappointed dun, kasi hindi naman siya nag-eexpect, pero
sino ang niloloko niya? Bakit siya tingin ng tingin sa cell niya?
“Makapunta na nga lang sa school.”
****
“Karen! Good Morning!!!” Ngumiti naman ako, “Good Morning din.”
“Grabe, ang saya kahapon, hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako…” si Diane.
Hindi
na siya nag-comment, at kung may makakabasa sa iniisip niya ngayon,
sasabihing bitter siya. Well, maybe not bitter, just a bit jealous. Sino
ba namang matinong babae ang hindi kikiligin kapag hinarana ka, sa
harap ng buong klase? Romantic ‘yun… Napangiti siya. Sana--- agad din
niyang sinaway ang sarili. No more expectations for this day. Para na
rin niyang inamin na nag-expect nga siya kahapon.
“Blah
blah blah…” ang instructor naming ng may kumatok sa pinto. Meron na
naman atang mangyayari. Excited siya, ano na naman kayang pakulo nila?
Masaya na lang siya kasi kahit papaano ay natigil lang saglit ang klase
nila. “May dalang balloons..at saka flowers…” sabi ni MJ, na katabi
niya. “Ang sweet talaga,” napatingin siya sa hawak nung lalaking
pumasok.
“Saan po si Ms. Karen Grace Palisoc?” tanong
noong lalaking may hawak ng mga bulaklak. Napatigil siya. At bago pa
ma-absorb ng utak niya na siya nga iyon, naituro na siya ng mga
classmates niya. Overwhelmed, all she could do is smile. Lahat yata,
liban sa ilan, ay nagulat, nagtataka, naiintriga sa kung sino man nag
nagpabigay nun. Hindi pa man siya nakakabawi ay nagsimula nang kumanta
‘yung mga lalaki. Pinipigil niya ang sariling lumingon sa likod, if he
wants to keep his identity a secret, then so be it. Sa kabila ng shock,
hindi pa rin niya napigilang kiligin, it’s elementary, no woman can
resist being treated as a muse, as a princess. “Hala….” Sa kawalan niya
ng masabi. Impit na napapatili ang mga katabi niya, at okay! Parang
gusto na rin niyang makitili.
It’s her hair and her eyes today.
That just simply take me away.
“Hi!”
“Hello din kuya!”
“Hmm…”
“J”
“Anong shampoo mo?”
“Haha, ano iyan? Banat?”
“Hindi, wala lang talaga akong masabi… Haha.. Aww, nakakahiya ako…”
And the feeling that I’m falling further in love makes me shiver, but in a good way…
Hindi
siya mahilig mag-recite, lalo na kapag ganitong mga topic. “Do you
believe in destiny?” ang tanong na hindi niya inasam na sagutin kahit
kalian. Pero ang lalaking iyon, nagtaas ng kamay. “Yes maam, because I
also believe in love.” Nagtawanan ang lahat, siya lang ang parang
natigilan sa sagot na iyon.
All the times I have sat and stared, as she thoughtfully combs through her hair…
As she purses her lips, bats her eyes and she plays with me sitting there slack-jawed and nothing to say…
“Nakatingin siya sa iyo, alam mo ba iyon?”
Alam niya, hindi nga lang niya maibalik ang mga tinging iyon. This is making her crazy! But, yeah, in a good way.
‘Cause I love her, with all that I am.
And my voice shakes along with my hand.
‘Cause she’s all that I see, and she’s all that I need,
And I’m out of my league, once again.
Those
lyrics, habang pinakikinggan niya ang mga iyon, naalala niya iyong mga
instances na nagkausap sila at napangiti siya, kasi tama, parang
nanginginig ito noon. Hindi man lang niya nahalata na ganoon na pala ang
nangyayari dito, at siguro, maging sa kanya. For her, what she’s
hearing now is more than just a song, it’s the very embodiment of his
feelings for her, at hindi ito nagkamali, his feelings have reached her.
It’s a masterful melody,
When she calls out my name to me.
As the world spins around her,
She laughs, rolls her eyes,
And I feel like I’m fallin’ and it’s no surprise.
To
say that she is shocked would be the worst understatement of the year.
Dahil nasa kantang iyon na ang lahat, at ramdam talaga niya ‘yung
lyrics. “Ateng!!! Ang swerte mo! Kung si Vince man iyan o kung sinong
Poncio Pilato, grabe! Ang effort niya! Sobra!!!!” sigaw sa tenga ko ni
MJ. Bago ko pa man napigilan ang sarili ko, “Hindi… Hindi si Vince…”
Pumasok siya sa classroom, may dalang gitara. “Siya…”
Verse 7
“Day After Valentines Part 2”
Hindi
niya alam kung ano ang uunahing gawin, ang ngumiti dito, o ang
ipagpatuloy ang paglalakad. Mahirap mag-multi-task sa mga ganoong
senaryo. Ito na yata ang pinaka- reckless na nagawa niya sa tanang buhay
niya, maging sa buhay ng lahat ng kalalakihan. Ang mangharana, at sa
ayaw at sa gusto niya, nanginginig talaga siya. Gulat ang lahat, as in
lahat… Alam niyang overwhelmed si Karen sa mga pinag-gagawa niya, pero
hindi ito ang oras para bigla na lamang siyang umatras. Tutal, marami
nang nakahalata, lubus-lubusin na. Ang nasa isip niya sa mga oras na
iyon ay ang ipakita lang kung ano ‘yung nararamdaman niya para sa
babaeng rason kung bakit wala pa siyang absent ni minsan. ‘Yung babaeng
rason kung bakit hindi siya makatulog sa gabi. Ang babaeng rason kaya
siya napalaro ng CityVille. Heto na talaga… Ipaparamdam niya dito ang
mga gusto niyang sabihin sa tanging paraan na alam niya. Ang musika.
Just the Way You Are
Mabuti
na lang at nasa likod lang niya iyong mga kaibigan niya, hindi siya
nangniming tingnan ang kanyang ultimate sa mata, kahit ba umiiwas agad
ito ng tingin. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o naasar. Bahala
na.
“Karen Grace Palisoc… I love you.”
This time, hindi na lang hangin ang nakarinig. Buong klase na, nag-echo pa.
Verse 8
“Day After Valentines Part 3”
A/N: Ang haba kasi ng araw na ito! Haha!!!
Sinalubong
niya ang mga mata nito. Kahit naiilang siya, nangingibabaw iyong tuwa
at kilig. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ‘yung ginawa niya.
Nabasa kasi agad niya sa mga mata nito iyong pagmamahal na isinigaw lang
nito kanina. Hindi siya makagalaw, parang may mga paru-paro sa sikmura
niya, at habang tumatagal ang paghihinang ng kanilang mga mata, ay ang
paglalim din ng espasyo sa kanyang puso. Nakita niya ang sariling
nahuhulog sa bangin na iyon, at wala siyang nakakapitan. Ang ipinagtaka
lang niya sa imahen iyon, ay hindi siya sumisigaw habang nahuhulog, at
walang bakas ng takot ang kanyang mukha. Falling. Falling.
Lumapit ito at may iniabot na isang bagay… “Seryoso ako sa sinabi ko kanina.”
Wala
sa sariling inabot niya iyon, pero biglang nagdalawang-isip at ibabalik
na sana niya ng mabingi na sila sa lakas ng tilian ng mga babae sa
classroom nila.
“Hindi ako mangungulit, pero hindi rin ako
tatahimik lang. Ipaparamdam ko sa ‘yo na ‘andito lang ako, at hindi na
magbabago kung ano man iyong sinabi ko kanina.”
Napangiti
siya,pero bigla ring lumungkot. Marami pang nagtatali sa kanya, at hindi
pa niya kayang dalhin kung ano man ang meron sila mula ng araw na ito,
dun sa susunod na kabanata. Sa dami ng gusto niyang sabihin nung mga
oras na iyon, walang narinig ang sinuman mula sa kanya.
***
Nag-aabang si Gembong sa corridor.
Wala pa rin ang hinhintay niya.Ano kaya ang nangyari?
Napapansin na niya na simula nung confession niya noong Valentines,
parang lagi nang hindi niya nadadatnan or nalalapitan si Karen. Bakit kaya?
Papasok na sana siya ng classroom ng makita niyang palapit na ito. Ngumiti siya, pero nadismaya rin kasi...
"Anong tinitingnan mo diyan sa... pader?" Nilapitan pa niya at sinipat ng maigi ang tinititigan nito.
"Huh?" Nagbublush pang umiwas uli ito ng tingin.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Huh?"
"Huh na lang ba ang kaya mong sabihin?"
"Huh?"
He sighed. Hopeless na ito. Although, na-dedepress din siya sa ginagawa nito sa kanya,
natutuwa rin siya sa kaalamang nararattle din ito.
"May effect..." anang isip niya.
"Time na pala," tumingin pa ito sa braso nitong, walang relo. "Ahaha.."
"Time na talaga... para sabihin mo kung ano ang ginagawa natin ngayon." At humarang siya sa daan nito.
She
looked so cute, being like that. Para na silang mga batang naglalaro ng
patintero, at siya ang nananalo. Hindi niya ito pakakawalan hangga't
hindi nito sinasabi kung anong meron.
"Iniiwasan mo ako
eh. Pero hindi dahil naiilang ka." Bumaling siya sa kaliwa, dahilan para
mapaatras din ito sa may pader. Cornered.
"Gembong..."
"Whoa!!!!!
First time! Tinawag mo ako sa pangalan ko!!!" Tumawa siya ng bongga.
Saka na siya made-depress, heto sa harap niya ngayon ang babaeng
itinitibok ng puso niya, at kung may mas isasaya pa siya sa minutong
iyon, iyon ay ang sagutin na siya nito.
"Sarcastic ba 'yun?"
"Hindi!!!
Masaya ako! Pero mabalik tayo." At hinarang pa talaga niya ang sarili
sa daraanan nito. Sana nga lang, wag pa mag-time.
"Hindi! Hindi kita iniiwasan, nasa corridor nga lang kasi talaga tayo!"
Gustuhin man niyang i-skip na lang ang confrontation na iyon, kailangan niya itong kausapin.
"Karen naman... "
"Excuse
me..." Bago pa siya naka-react ay mabilis na itong nakalusot at
dire-diretsong umalis.At 'yun nga, nakatitig na lang siya sa papalayong
likod nito.
"Takot ka, sa kung anong pwedeng nararamdaman
mo na sa akin... " wala sa sariling bulong niya. "D*mn, why do you have
to be so far?"
****
It would've been better if she hadn't heard that last line. Because now, it's creating havoc in her system.
"Hindi ako takot." Pero sino ang pinapaniwala niya? Ang sarili?
"Good morning!"
"Good ----"
Nag-ring ang phone niya.
"Libre ka ba mamaya?"
What should she answer? Iiwas na naman ba siya? "Takot ka sa maari mong maramdaman."
Hindi pa rin mawala sa isip niya iyon. Tama nga kaya ito?
If only she could be a ninja.
Or she could make herself invisible.
Or she can read minds, kasi ngayon, hindi na niya maisip kung ano ba ang dapat na gawin niya.
Ngayon lang na siya naituring na ganito, someone special by someone she had just met.
"Hindi ko pa alam."
Wala
siyang standards sa taong mamahalin niya, kung magmamahal naman kasi,
hindi parang audition lang na mamimili ka. Although, somehow, audition
nga,
pero hindi siya ang judge, ang puso niya.
At ang sinasabi ng puso niya ngayon.
"Ewan."
"Ano?"
"Sige, bahala na."
Napapailing
na lang siya kasi halatang masayang-masaya ang loko.Napangiti rin siya,
somehow, seeing him so happy makes her happy as well. Saka na uli siya
mag-iisip, for now, i eenjoy niya muna iyong kung ano sina Gembong at
Karen Grace ngayon. Kung ano man iyon.
In fairness kay Gembong, never itong nag-falter sa 'panliligaw' sa kanya.
Ilang months na ba ang nakalipas?
At hanggang ngayon eh nagtetext or whatever pa rin sila.
Friendly dates here and there.
Hanging out.
At hindi niya napapansin, during those times ay naipakilala na nila ang sarili sa isa't-isa.
And it felt good. It's like finding a soulmate. Even more than that.
"Kumusta
na kayo ni Gembong?" tanong sa kanya ng friend niya. Minsan talaga,
hindi na niya alam kung matutuwa ba siya o maasar na. Kasi, eternally na
nakadikit ang pangalan niya sa lalaking iyon, at hindi naman
nakakatulong 'yung pagsama-sama rin nila sa lakad.
"Anong kami? Kami ba? Hindi!"
"Parang nga, may nababalitaan ako eh."
"Ano naman 'yun?"
"May crush daw siya sa block nila."
That must be the worst thing she ever heard today.
Doon niya na rin naisip 'yung idea na matagal na niyang ayaw isipin, ayaw harapin, ayaw pakisamahan.
Kasi para sa kanya, bawal.
Para sa puso naman niya, "Wala akong Pake!"
Dun na nga nagsimula ang gyera ng puso at isip niya. Kung ano ba ang tama, kung ano ba ang dapat, at kung ano ba ang gusto niya.
"Hindi!
Hindi ko siya gusto at never na magiging kami!" paimpit na sigaw niya,
para sana paalalahanan ang sariling iyon ang dapat.
"Dapat pala, noon mo pa iyan sina di ba? Para naman at least, hindi ako umasa?" Boses ni Gembong.
At nagulat siya dahil nasa likod pala ito, puno ng hinanakit ang mukha.
"I..I.. hin..."
"Wag
na Karen, sa totoo lang, nakakapagod din palang umasa, pero dahil nga
nagmamahal ako, umaasa pa rin ako. Pero minsan din pala, kailangan
sumuko na, lalo kung abala na lang ako sa 'yo."
"Wala
naman palang silbi 'yung effort ko eh, masabihan lang na ma-effort ako.
'Yun lang. Pero wala talaga eh, sa tingin mo ba, kung natuturuan ko lang
ang puso na magmahal ng iba, naks... Sa tingin mo, gugustuhin kong
ma-in love sa babaeng masyadong matayog?
Sa tingin mo, mag-iipon
ako ng isang drum ng lakas ng loob para lang iparating sa babaeng iyon
ang nararamdaman ko? Kung ibang babae ba 'yun, gagawin ko kaya? Ang
tingin ko, isang malaking hindi. Sa'yo lang. Pero masyado na akong
maraming nasabi, dapat nga kanina pa ako naka-alis eh. Pero ewan ko
ba.Parang, all these time, handa ako dun sa idea na hindi mo nga talaga
ako gusto. Pero Karen, masakit pa rin pala talaga. Kahit ang alam ko,
handa na ako. 'Pag narinig ko na pala 'yun mismo-----"
"Teka
lang! 'Wag mo nang tapusin 'yang speech mo! Para ka nang running-for
president niyan eh. Wait lang! Wait! Wait lang talaga.. Tutal
nagsasabihan na rin tayo ng mga feelings natin et cetera. Let me tell
you this."
"Teka lang din! Tara sa labas! Mas maganda ang ambience dun," sabi agad nito, at inakay siya papuntang gardens.
"Para sa isang lalaking dapat eh heartbroken na ngayon, masaya ka pa rin."
"Ayaw ng mga lalaking ipakita ang mga kahinaan nila sa babaeng gusto nila."
Wala na siyang nasabi, somehow, naintindihan niya ito, at tahimik lang siya na sumunod dito.
"Totoo ba yun?"
"Alin?"
"'Yung sinabi mo?"
"Hindi! Nabigla lang ako dun! Hindi naman sa hindi talaga kita gusto."
"Eh ano pala? Nabingi lang ako?"
"Ang
sungit mo!" at umasta siyang aalis na lang. Pero agad siya nitong
pinigilan sa braso. And yeah, the typical thing. That bumping of lips
called kissing. Then Sparks Flew! Past tense ng kanta ni Taylor Swift.
"Hala!!!!"
"Isang tanong, isang sagot, oh, huminga ka." Yugyog pa nito sa kanya.
And for the first time, nag relax din ang kanyang nerves.
"Mahal
na kita, kahit hindi kita type." At nakita niya ang pagka bigla sa
mukha nito. 'Yung tipong hitsura ng taong naka lunok ng isang piso.
"Kailangan talagang idagdag pa iyong huli? Eh ano ang type mo?"
"Wala!
Wala sa isip ko iyan, wala sa panaginip ko, wala sa dalangin ko, wala
sa expectations ko.Panira ka nga lang kasi ng plano, sumulpot-sulpot ka
pa kasi."
"Wala ka na ring magagawa, I'm here now, and this is for good."
"'Yun na nga eh! Alam kong nandiyan ka lang, and before I knew it, alam ko na nandiyan ka!"
"Huh?"
"Nasanay
na ako sa presence mo, kaya nung feeling ko eh mawawala ka na, ewan ko
ba! Parang masama iyong loob ko." This time, naka upo na siya at
nakatinagala dito.
"So, ano na? Ilang buwan mo nang
pinag-iisipan kung may gusto ka ba sa akin, wala ka pa ring conclusion?"
Nakangiti na si Gembong. Wala na sa lalamunan siguro ang piso.
"Matagal na akong may conclusion, hindi ko lang inacknowledge kasi."
"And?"
"Ang engot mo! Nasabi ko na nga kanina 'di ba? Ayoko ng ulitin, bingi kasi."
"-----"
"Kelan mo ako sasagutin?"
"Next month?"
"An tagal?"
"Magrereklamo ka pa."
"Hindi na po."
"Gutom na ako."
"Tara, kain."
Ay hinawakan nito ang nanlalamig na kamay niya, sabay ngiti.
"Next month pa raw, holding hands na tayo. :)"
"Haha. Sure."
~~~~~ end~~~~~~~
Pangiti-ngiti pa rin si Karen kinabukasan. Halatang may lablayp.
Pangiti-ngiti rin si Gembong kinabukasan. Halatang siya ang lablayp.
"Ang lame pala ng confession natin kahapon?"
"Hala! 'Wag mo na ipaalala, lame talaga."
"Pwede ko namang i-justify eh."
"Sige nga."
"Because
people in love can become anyone that is out of their character. Like
how I became a poet, how you became outgoing, how we became lame."
"All in the name of love?"
"Ay, hinde.. "
"Hampasin kita?"
":)"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~owari~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
No comments:
Post a Comment